Lola at ilang residente ng isang bayan sa Iloilo, nag-pasko sa gitna ng rumaragasang baha - The Daily Sentry


Lola at ilang residente ng isang bayan sa Iloilo, nag-pasko sa gitna ng rumaragasang baha




Ang pasko ay masayang ipinagdiriwang sa bawat tahanan ng mga magkakapamilya para sa isang salu-salo at pagbibigayan ng mga regalo. Ganito sana ang sitwasyon ng mga residente ng mga taga Balasan, Iloilo. Ngunit hindi ito ang nangyari dahil kabaliktaran ang sinapit ng ilang residente doon.

Sa video na in-upload ng netizen na si Argiel Bugarso, makikita ang mga taga Balasan na kumakapit ng mahigpit sa mga puno sa gitna ng rumaragasang baha. Ang halos lagpas tao na baha ay dulot ng bagyong si Ursula.

Maririnig din sa naturang video ang pag-iyak ng ilan dahil sa katakot-takot na sitwasyong naranasan nila sa mismong araw ng pasko.

Panuorin dito:




Source: Argiel Bugarso