Magkasintahang may edad na 93 at 51, emosyonal sa kanilang kasal - The Daily Sentry


Magkasintahang may edad na 93 at 51, emosyonal sa kanilang kasal



Ang pag-ibig ay walang pinipiling panahon, itsura, kalagayan sa buhay at edad ng tao. Basta tunay at wagas ito, walang sino man ang makakapigil rito.
Kuha ni Sacristan Alzon Rey Ruelo

Trending ngayon sa social media ang mga larawan ng kasal ng isang 93 anyos na lalaki at 51 anyos na babae na 11 years nang magkasintahan.

Ayon sa Facebook page na “The Freeman”, napag-alaman ng simbahan ang relasyon ng dalawa matapos ikumpisal ni lolo Alfonso Flores ang pagsasama nila ng kanyang kasintahan na si Elena Besabella sa iisang bubong kahit na hindi pa sila kasal.

Ito ang naging daan upang matupad ang pangarap ng dalawa na ikasal sa tulong na rin ng kanilang simbahan.

Ang pagmamahalan ng dalawa at tumagal ng mahigit 11 taon. Noong Nobyembre 5, ginanap ang kanilang emosyonal na pag-iisang dibdib sa pamumuno ni Rev. Fr. Michael Hisoler. 
 Kuha ni Sacristan Alzon Rey Ruelo
 Kuha ni Sacristan Alzon Rey Ruelo
Kuha ni Sacristan Alzon Rey Ruelo

Patunay lamang daw na walang pinipiling panahon o edad ang mga taong tunay na nag-iibigan.


***
Source: KAMI