Batang Babae, Viral Matapos Mag-iiyak at Habulin ang Jeep na Sinakyan Dahil sa Naiwang Tupperware - The Daily Sentry


Batang Babae, Viral Matapos Mag-iiyak at Habulin ang Jeep na Sinakyan Dahil sa Naiwang Tupperware





Photo shared by Kate Nabo | Credit to her Facebook account
Sinasabing isa sa pangkaraniwang sasakyang pang-transportasyon sa bansa ay jeepney. Maraming mga Filipino ang mas pinipili ang sumakay sa pampublikong jeep dahil sa bukod sa abot-kayang pamasahe, mas mabilis daw silang nakakarating sa kanilang destinasyon.

Karaniwang sumasakay sa jeep ang mga empleyado at mag-aaral upang tumungo sa kanilang paaralan at lugar ng trabaho. Gayunpaman, may ilang mga pagkakataon na ang mga pasahero ay maaaring makaranas ng mga problema at mga hindi inaasahang pangyayari sa kanilang byahe.





Tulad na lamang nang naging karanasan ng isang netizen na si Kate Nabo, na sadyang nag-viral ang post sa social media sa pagbabahagi niya ng nakakatuwang kwento tungkol sa sinakyan niyang jeep.

Kwento ni Kate, Marso 9, biglang sumakay ang umiiyak na batang babaeng naka-uniporme, habang naghihintay ng ibang pasahero yung driver ng sinasakyan niyang jeep.


Kate Nabo's post | Credit to her Facebook account

“Di namin alam kung anong nangyari sa kanya bigla na lang syang nagsabi sa driver na “Manong pwede pakihabol po nung jeep na yun”,” lahad ni Kate.

Nagtataka man daw ay hinabol ng driver ang kabilang jeep, at nang tanungin ang bata kung anong nangyari at bakit ito umiiyak, sinabi nito na naiwan niya ang kanyang baunan sa kabilang jeep na hinahabol nila at kailangan niya itong makuha dahil pagagalitan daw siya ng kanyang ina.





“Yung tupperware ko po naiwan dun sa jeep, baka pagalitan ako ni mama.”, ani daw ng batang babae.

Ibinahagi din ni Kate ang larawan ng bata at kung paano natuwa ang ibang pasahero, pati na din ang driver ng jeep ng malaman ang dahilan ng bata kung bakit ito umiiyak.

"Nagtawanan kaming ibang mga pasahero, pati yung driver, pero worth it naman yung pagharorot ni manong driver kasi nahabol namin yung jeep.", kwento ni Kate.

Halos isang araw matapos ikwento ni Kate ang pangyayari, umani na ang kanyang post ng 277K haha reactions, 20K comments, at 101K shares.

Comments from Netizens | Credit to Kate Nabo's Facebook account
Comments from Netizens | Credit to Kate Nabo's Facebook account





Comments from Netizens | Credit to Kate Nabo's Facebook account

Narito ang buong post ni Kate: 




"So guys share ko lang kanina habang naghihintay ng ibang pasahero yung driver ng jeep na sinasakyan ko may batang biglang sumakay tas iyak sya ng iyak di namin alam kung anong nangyari sakanya bigla nalang syang nagsabi sa driver na "manong pwede pakihabol po nung jeep na yun" syempre umiiyak pa rin sya tas kaming ibang pasahero pati na rin yung driver nag-alala kaya biglang humarorot si manong driver para habulin yung jeep na sinasabi nung bata tas habang hinahabol ni manong driver yung jeep tinanong nya yung Bata kung anong nangyari sakanya bat sya umiiyak tas sabi nya "YUNG TUPPERWARE KO PO NAIWAN DUN SA JEEP BAKA PAGALITAN AKO NI MAMA" syempre normal lang nagtawanan kaming ibang mga pasahero pati yung driver pero worth it naman yung pagharorot ni manong driver kasi nahabol namin yung jeep tas di nalang pinabayad ni manong driver si baby girl kasi grabe na yung iyak nya. Tupperware nga naman."


Source: Kate Nabo