Bride, niregaluhan ng 1M ng kanyang groom sa araw ng kasal - The Daily Sentry


Bride, niregaluhan ng 1M ng kanyang groom sa araw ng kasal




Kasal ang isa sa mga pinakamagandang regalong maaaring maibigay ng isang lalaki sa babaeng kanyang pinakamamahal. Ngunit bukod dito, may iba pang magandang regalong naisip ibigay ang groom na ito.

Sa larawang in-upload ng Facebook page na Team Benitez Photo, hindi maikukubli ang labis na pagkagulat at pagkatuwa ng isang bride sa ibinigay ng kanyang groom. 

Abut-abot kasi ang ngiti ng babae sa larawan habang hawak nito ang isang boquet at limpak-limpak na pera.

Ayon sa caption ng nasabing Facebook page, ang sangkatutak na cash ay nagkakahalaga ng isang milyong piso!

"Now that's a surprise wedding gift!!! Php1,000,000 cash!!! "Sana all" comments in 3, 2, 1, go! Hahaha.", nakasaad sa caption ng larawan. 

Napa-sana all naman ang mga netizen sa napakagandang regalo ng nasabing groom: