Netizen nanawagan para sa matandang foreigner na niloko ng partner na Pinay, naging palaboy sa gitna ng pandemya - The Daily Sentry


Netizen nanawagan para sa matandang foreigner na niloko ng partner na Pinay, naging palaboy sa gitna ng pandemya




Photo courtesy of Facebook @Ivan Talimio Lising


Isang netizen mula Kidapawan City, ang nag malasakit sa isang foreigner na nakaupo lang sa isang bangketa at tila tulala at talaga namang nakakaawa.

May katandaan na din ang nasabing banyaga, at kahit anumang bagay ay wala itong dala dala, ni pamalit ng damit ay wala man lang syang naitabi.


Napakahirap ng sitwasyon ng matandang foreigner, lalo na ngayong panahon ng krisis na dinadanas natin dahil sa pandemya. 

Prone din sa health risk ang nasabing foreigner dahil bukod sa katandaan ay wala rin itong anomang proteksyon sa katawan gaya ng face mask, at palabuy-laboy na lamang ang matanda na naghiintay na lang sa maiaabot na tulong mula sa mga tao.

Ayon sa netizen na kinilalang si Ivan Talimio Lising, nakita nya ang foreigner na si Henry Gonzales, isang Argentinian national.

Kwento ng Argentinian sa kanya, nagpalakad-lakad na lang sya hanggang sa mapadpad sya sa Kidapawan City, dahil niloko sya ng kanyang pinay partner. Naubos lahat ang kanyang pera maging ang mga gamit, kaya naman wala syang pambiling pagkain sa pang-araw-araw.

Narito ang post ng netizen na si Ivan at nais nyang manawagan sa mga may mabubuting puso na matulungan sana ang matanda:

"Hi sa mga friends natin sa Kidapawan City, baka naman matulungan natin makauwi o mabigyan man lang pang kain pang araw araw si sir. Sya si Henry Gonzales, isang Argentinian national na napadpad dito sa Kidapawan City.


Naloko daw sya ng pinay partner nya kaya sya nagka ganyan. Nakakalungkot naman po lalo pa pandemic ngayon, wala syang perang pangkain sa araw araw.  Sana mabigyan din po sya ng mask or anything na maka help sa kanya para maka iwas sa virus.

Sa mga friends po natin na makakakita sa kanya, baka naman po sana maabutan sya ng konting tulong. Salamat and godbless."

photo courtesy of Facebook@Ivan Talimio Lising


Marami namang netizen ang talaga namang nahabag at naantig ang puso sa kalagayan ng matandang banyaga na ang tangi lamang hangad ay ang makasama ang minamahal na kasintahang pinay.

Sari-sari ang emosyon na nadama ng mga netizens, ang iba ay naawa kay Henry, ang iba naman ay nagalit sa partner nitong pinay samantalang ang iba naman ay nagduda sa pagkato ni Henry.

Narito ang komento ng mga netizens: 

"Kya nasisira ang mga filipina sa mga foreigners ,dahil Yong iba piniperahan LNG nila,at pgkatapos pg wla ng Pera iniiwan Na nila, kayo ang sumisira sa imahi ng ibang filipina.."

"Mahirap manghusga ka ng tao piro sana naman kung ayaw nyo sakanya dapat wag ganun kc nakakaawa naman at kung sa atin mga kababayan mangyari yan diba masakit para sa atin. kaya tayong mga pilipino madalas natin marinig na mukhang pera at manloloko. dahil sa gangyan na pangyayari."

"Kaya tayo mga filipina ang baba ng tingin sa atin..madalas nila isipin na mga mukha pera ang pinay..sana mabigyan ng hustisya ito kong bakit ng yari sa kanya na pagala gala nalang sya..sir tulfo tulongan mo ito."


"Pag nakaka kita kau ng mga ganyan kahit gomastos kau sikapin nyo mkarating kye sir tulfu pra mkauwi s lugar nya, at mahanap dn ung babaeng nagloko s knya at mkapag bayad s knya nkakagigil nuh mga pinay tlgang iba npaka salbaheng babae nyan"

"May mga kababayan tlga tau na mga manloloko papaano pa maka balik yan sa pinanggalingan nya kung hinut hut lahat pera nyan...nakakainis at nakakahiya ang ganitong pag uugali ng iba."

"kawawa nman xia siguro wla na xia na pla sa tao na jan ky pinabayaan na nia sana karmahin ka sa ginawa moh sa tao hnde kana na awa kc minsan pilipino den na papasama sa pinag gagawa nio akla ng iba pera lang habol sa taga ibang bansa "

"Bkit may mga taong ganyan, mga mukhang pera, karmahin ka sanang babae ka. Nakakatulog kpa Ng mahimbing! Samantalang Yung taong nagtiwala sau Wala Ng makain, palaboy Ng dahil sa kagagawan mo! Nasaan Ang kunscynsia mo!!!! Dios Ng bahala sau..."

"Bakit nga po ba.may mga ganyang nilalang sa mundo.Walang awa sa tao.Di man lng nagtira upang may pambili ng makakain ang tao. Cno ka man girl alam natin lahat masaya kang lumalastay sa pera ng taong niloko mo...Kinakain mo pa sa magandang restaurant...Nalulunok mo ba ito ng maayos.Kahit malambot pa ang hinigaan mo nakakatulog ka ba?o pinapatulog ka ba ng konsensya mo..Anong nilalang ka at natutuwa ka pang igasto sa pamilya mo ang hinakot mo sa taong niloko mo. Sana lng makarating kay sir Raffy Tulfo in action.. Sana lng po matulungan ni sir raffy.. yong tao. GOD BLESS PO ..AT SA BABAENG YN MATAKOT KA SA GOD..."

"Some Pinay kilalang Mga Scammer paƱgakuan Ang Mga foriener Na mag invest Sa pinas at bumili ng Bahay, nakapangalan Lahat Kay Girl Pagkatapos IPA deport Yong Banyaga Presto may instant Kayamanan Na siya Na Walang kahirap hirap Pati Magulang At kamag Anak nakinabang , Isang linggong Fiesta, Daig nanalo ng Lotto"

Akala siguro ng pinay na partner nya madami syang pera kaya nung maubos na pera ni sir, tinapon na lng parang basahan! nakaka pang gigil sa mga ganyang klaseng babae. kaya napapahamak ina natin kababayan sa ibang bansa eh ..


"The best to do is to take him to their embassy..they are d only person who can help him right now."

Samantala, ang ibang netizen naman ay nais idulog sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action ang kalagayan ni Henry, sila pa mismo ang nanawagan kay sir Raffy Tulfo na sana ay matulungan ang banyaga. "Sir Raffy Tulfo in Action tulungang nyo si sir mka uwi sa kanila godbless kawawa nman."