Batang Nag-eenroll online gamit ang Pisonet, Inulan ng tulong! Magkakaroon na ng Phone, PC at Libreng Wifi! - The Daily Sentry


Batang Nag-eenroll online gamit ang Pisonet, Inulan ng tulong! Magkakaroon na ng Phone, PC at Libreng Wifi!



Jhonel "Kokey" Agner Adarayan | Credit to Peter Salire De Guzman's Facebook account
Kamakailan ay hindi napigilan ng isang netizen na si Peter Salire De Guzman na ibahagi ang kanyang karanasan sa loob ng isang Pisonet shop kung saan nakita niya diumano ang isang batang nag-eenroll online.

Nung una, akala niya daw ay naglalaro lang ng computer games ang batang si Jhonel "Kokey" Agner Adarayan, ngunit noong kanyang nilapitan ay nakitang nag-eenroll pala ito para sa darating na pasukan. 


Photo credit to Peter Salire De Guzman's Facebook account
Credit to Peter Salire De Guzman's Facebook account
Ibinahagi ni De Guzman ang kanyang pagkahabag kay Kokey kaya tinulungan niya na daw ito upang matapos ang ginagawa.

Nakita niya daw kse na base sa form na pinunan nito ay walang kakayahan ang bata at mga magulang nito sa 'online education' dahil wala silang pera pangbili ng gadget at budget para sa internet.

Dahil dito, humingi ng tulong si De Guzman sa mga netizens na tulungan ang bata, at iba pang bata sa lugar nila. At hindi niya daw talaga inaasahan na magva-viral ang post at uulanin ng tulong si Kokey..


Jhonel "Kokey" Agner Adarayan | Credit to Peter Salire De Guzman's Facebook account
Sa ngayon, may mga natanggap na daw silang cash donations at marami na din daw ang nagpapadala sa kanya ng mensahe at gustong mag donate ng Phone, Desktop Computer, at Printer para kay Kokey at sa iba pang bata sa kanilang lugar.

Narito ang buong post ng Good Samaritan na si De Guzman.

"Saw this kid just now 8:30 in the evening

Sa Pisonet Shop in front of our house.

Akala ko naglalaro lang ng computer games

Yun pala, nag eenroll siya online ng mag isa

At nahihirapan siya mag fill up ng form,

English with tagalog translation naman

Malapit na maubos yung time kaya binigyan ko ng 5 pesos at tinulungan ko na mag fill up.

Kasi anytime dadaan na yung mga Bgy. Tanod for Curfew.

Then according sa pag fill up niya,

* No Budget for Internet and Data Allowance

* No Mobile Phone, PC or Tablet

* Parents are at home with no Work due to Quarantine.

* Grade 7

Nalulungkot ako para sa batang ito.

Ilan silang ganito ang sitwasyon ngayon,

Wala ng sisihan, mag tulungan na lang.

*Dear Converge ICT,

I am already paid for the installation fee

Almost 3 weeks na,

Kailan kayo mag iinstall para makapag Broadcast na ako ng FREE WIFI HOTSPOT sa mga estudyante.

*Friends, baka po may extra or luma kayong phone,tablet or computer diyan na at least para lang po muna sa batang ito.

THANK YOU SO MUCH

And have a nice day everyone! "



Source: Peter Salire De Guzman