Babae, bilib sa pagiging gentleman ni kuya nang i-offer ang damit pantakip sa hita niya para di masilipan - The Daily Sentry


Babae, bilib sa pagiging gentleman ni kuya nang i-offer ang damit pantakip sa hita niya para di masilipan



Larawan mula kay Clong Clong
Tila nawawala na nga ba sa pag-uugali ng mga kalalakihan ang pagiging gentleman pagdating sa pagtrato sa mga kababaihan na kung minsan pa ay imbes na igalang at irespeto ang mga babae ay tila pinag-iisipan pa ito ng hindi maganda.

Ngunit ibahin natin ang naging karanasan ng isang netizen na si Clong Clong kung saan ay ibinahagi nito ang nakakamanghang ginawa ng isang lalaking nakasabay niya sa jeep.

Ayon sa kwento ng netizen, habang nakaupo siya sa sinasakyang jeep ay mayroon isang lalaki na umupo sa kanyang harapan at habang nasa byahe sila ay nagulat na lamang siya nang biglang i-offer ng misteryosong lalaki ang kanyang uniform para pantakip sa kanyang hita upang hindi siya masilipan.
Larawan mula kay Clong Clong
"Share ko lang. Kanina habang nasa jeep may umupong lalake sa harapan ko. He offered me his uniform patong ko daw." pagbabahagi ni Clong Clong.

Ayon kay Clong Clong, naka dress siya noong oras na iyon ngunit hindi naman ito kaiksian at above the knee lang ito kapag nakatayo kaya hindi naman ito panget tignan.

"Naka dress ako pero hindi naman ganun kaiksi above the knee pag naka tayo." ayon pa ito kay Clong Clong.

Pagsasaad niya, noong una ay tinanggihan niya ito at humingi ng pasensya at sinabing aayusin na lamang niya ang kanyang pag-upo ngunit sa pangalawang pagkakataon ay nais pa rin ibigay ng lalaki ang kanyang dalang uniform na tila pagpapakita nga ng pagiging tunay na gentleman na bihira na lamang gawin ng mga kalalakihan sa panahon ngayon.
Larawan mula kay Clong Clong
"At first tumanggi ako at nag sorry sabi ko tatabingi nalang ako ng upo but he insist na kunin ko yung damit. Dito pumasok sa isip ko na no matter how u dress as a girl nasa lalake padin talaga kung pano sila mag isip. Luckily gentleman si kuya. Again hindi po kaiksian yung dress ko at may short ako sa loob."

Dahil sa pagbabahaging ito ni Clong Clong sa kanya social media account ay inulan ng mga positibong reaksyon ang ginawa ng lalaki mula sa mga netizen.

Basahin ang buong post ni Clong Clong sa ibaba:

"Share ko lang. Kanina habang nasa jeep may umupong lalake sa harapan ko. He offered me his uniform patong ko daw. Naka dress ako pero hindi naman ganun kaiksi above the knee pag naka tayo. At first tumanggi ako at nag sorry sabi ko tatabingi nalang ako ng upo but he insist na kunin ko yung damit. Dito pumasok sa isip ko na no matter how u dress as a girl nasa lalake padin talaga kung pano sila mag isip. Luckily gentleman si kuya. Again hindi po kaiksian yung dress ko at may short ako sa loob. 
Larawan mula kay Clong Clong
"Ps. Baka ayaw niya lang nakikita yung pata ko? Hahahaha"


****

Source: Clong Clong