DJ Loonyo napaiyak habang inaamin kung gaano siya kasamang tatay sa anak - The Daily Sentry


DJ Loonyo napaiyak habang inaamin kung gaano siya kasamang tatay sa anak



Matapos ipalabas sa ‘Magpakailanman’ ang kwento ng buhay ni Rhemuel Lunio o mas kilalang DJ Loonyo, samu’t saring batikos at reaksiyon ng mga netizens ang lumabas sa social media.
DJ Loonyo and Aika Flores / Photo credit: Facebook and Youtube

Marami raw kasing hindi totoo at puro kasinungalingan ang naging kwento sa buhay ni Loonyo, ito ang naging pahayag ng kanyang ex-girlfriend na si Aika Flores.

Sa Facebook post ni Flores, sinabi nitong hindi niya itinago o ipinagdamot kay Loonyo ang kanilang anak. Aniya, mismong si Loonyo raw ang walang effort na gumawa ng paraan upang makita ang anak.

Ang dahilan raw ng kanilang hiwalayan ay ang pagiging babaero ni Loonyo. Dagdag pa ni Flores, gusto pa raw ipalaglag ni Loonyo ang kanilang anak noong ipinagbubuntis pa lamang niya ito.


Namatay ang kanilang anak noong 2017, ito ang una at huling beses na nakita ni Loonyo ang kanyang anak.

Isa sa mga kaibigan ni Flores na nagtanggol sa kaniya ay ang Vlogger na si Toni Fowler.

Si Flores at Fowler ay parehong naging dancer sa Channel 4 noon. Kwento ni Fowler, nasaksihan niya ang paghihirap ng kanyang kaibigan noong nagbubuntis pa lamang ito.

Mula ng nabuntis sya puro iyak dahil koopal ka. Kaya nung nakilala ka? Natatawa nalang kami atleast naabot mo pangarap mo magpasikat kahit marami kang bagay na hindi abot dahil bansot ka,” sabi ni Fowler sa kanyang Facebook post.

“SAKSI AKO NA YUNG BABAENG BINUNTIS MO SUMASAYAW AT NAGIIPIT NG TYAN PARA LANG KUMITA NG PERA. 500 PESOS LANG TF NAMIN NON PER DAY!” dagdag nito.

Ani Fowler, wala raw talagang pakialam si Loonyo sa kanyang kaibigan kahit na buntis na ito.

“HINDI SINUNGALING SI AIKA. KUNG TOTOONG MINAHAL MO ANAK MO AT NAGSUSTENTO KA IPAKITA MO MGA RESIBO NA PINADALA MO PATUNAYAN MO BRAD,” sabi ni Fowler.

Nakakahiya umano ang pagbabago ng kwento ni Loonyo sa kanyang buhay na ipinalabas sa ‘Magpakailanman.’

“Isa ka ding walang bay@g! Kung may awa ka pa kay aika at sa anak nyong nananamihimik na sa langit wag ka ng mambaliktad brad! Maawa ka naman t@ngyna sobra sobra na ginawa mo sakanya. Ang tagal nyang nadepress sa nangyari sakanya. Tapos ikaw papeymous peymous lang?”

“Sobrang bait ni aika sa totoong buhay talagang may mga koopal na lalaki talaga na sobrang kapal ng muka. YUNG NILOKO GINAG0 GINAMIT KA NA NGA, SISIRAAN KA PA. URUR!” sabi ni Fowler.


Samantala, nagulat ang isang social media personality sa naging interview nito kay Loonyo matapos itong maiyak habang sumasagot sa mga tanong ni Makagago.

Ayon kay Makagago, hindi niya inakalang maiiyak si Loonyo dahil ang tingin nito sa kanya ay malakas ang loob at matatag ang damdamin. Hindi raw niya inakalang emosyonal pala ito.

Ikinuwento ni Loonyo kay Makagago noong panahong nabuntis nito ang kanyang ex-girlfriend. Aniya, 20 years old na siya noon at nangyari ang lahat sa Cagayan de Oro noong nagsama sila ng halos isang taon.

Kwento ni Loonyo, hindi raw niya matandaan na kinumbinsi niya ang dating girlfriend na ipalaglag ang kanilang anak ngunit aminado siyang nambababae siya noon na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

“What’s enough men. Do you want me to die? If inspiring people put me in this kind of position, I don’t know what is right anymore. I can’t sleep man, I can’t sleep. I don’t have [a] peace of mind,” saad ni Loonyo habang umiiyak.

Ani Loonyo, gusto lamang niyang matupad ang kanyang mga pangarap noon kaya naging makasarili siya.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang interview ni Makagago kay Loonyo.





Narito ang buong interview ni Makagago kay Loonyo:



***
Source: DailyPedia