Magandang babae, ipinagmalaki ang kanyang mister sa publiko - The Daily Sentry


Magandang babae, ipinagmalaki ang kanyang mister sa publiko



Larawan mula sa Video Dunia Viral
Minsan sa buhay ng tao ay hindi mo kailangan maging maganda o gwapo para magustuhan ka ng taong mahal mo, dahil mayroon iba na hindi tumitingin sa panlabas na anyo ng isang tao kundi tinitignan nila sa busilak na kalooban ng isang tao.

Kung kaya naman viral sa social media ang pamilyang ito na makikita ang ilang litrato ng masaya at kuntentong pamilya.

Makikita sa mga litrato na kahit na ganoon ang itsura ng lalaki ay tanggap ito ng babae na halatang masaya kasama ang tatlong anak.

Patunay lamang na ang babaeng ito ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo kundi sa busilak na kalooban ng isang tao.
Larawan mula sa Video Dunia Viral
Madaming humanga sa babaeng ito dahil kahit ganoon ang itsura ng lalaki ay minahal pa din niya ito na hindi din maipagkakaila ang kabutihang loob na taglay ng isang babae.
Larawan mula sa Video Dunia Viral
Mapapansin sa isang litrato ang pangatlo nilang anak kung saan ay tila bagong silang pa lamang ang napaka-cute na sanggol.

Ang masayang litrato ng pamilyang ito ang nagpapatunay na hindi basehan ang itsura ng isa't-isa kapag umiral na ang tunay na pag-ibig dahil ang pagtanggap ng kung anong meron ay magbubunga ng isang kuntento at masayang pamilya.

Dahil dito madami ang nagpahayag ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizen.

"We are all beautiful and handsome in d eyes of our Lord. He made us as resemblance of his image thus, we deserve to be loved by someone who loved us unconditionally no matter what and who we are. God bless to them. Beautiful family."
Larawan mula sa Video Dunia Viral
Ayon sa isang netizen, aanhin nga naman ang gwapo kung babaero naman ito, kung kaya naman dapat ay unahing piliin ang may mas mabubuting kalooban kesa sa magandang panlabas na anyo.

Mayroon din naman iilang hindi naniniwala na totoong ngang na-inlove ang babaeng ito sa lalaki.

Marahil mayroon talagang mga tao na nahihirapan maniwala na mabibighani ang isang magandang babae sa isang lalaki na kagaya ni kuya.

Gayunpaman, hindi naman mahalaga kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa kanila, dahil ang importante ay masaya silang magkasama at nagmamahalan.
Larawan mula sa Video Dunia Viral
Isa lang ang malinaw sa ipinakita ng dalawang nagmamahalang ito, na hindi basehan ang pisikal na kaanyuan pagdating sa pag-ibig dahil mas importante na maging kabiyak ng puso mo ay ang yung taong kaya kang respetuhin, igalang, mahalin at tanggapin ang buong pagkatao mo kahit ano man ang mayroon ka.
Larawan mula sa Video Dunia Viral

****