Remarks ng isang customer sa J&T express, kinaaliwan sa social media - The Daily Sentry


Remarks ng isang customer sa J&T express, kinaaliwan sa social media



Kamakailan ay naging trending sa social media ang video ng mga trabahador ng J&T Express dahil sa hindi maayos na pag-handle nila sa mga cargo packages.
Photo credit: Christian Jay Beliber

Samantala, viral naman ngayon ang post ng isang netizen kung saan nag-iwan siya ng remarks para sa delivery rider ng J&T Express.

Sa Facebook post ni Christian Jay Beliber, ibinahagi nito ang mga larawan ng kanyang order na i-dineliver ng J&T.

Aniya, noong ideliver sa kanya ang package ay sinabihan siya ng rider ng "Sir iningatan ko yan para walang hampasan ng ulo.”

Nagtaka raw si Christian at naguluhan sa sinabi ng rider.
 Photo credit: Christian Jay Beliber
Photo credit: Christian Jay Beliber

Pagdating ng bahay ay tsaka lamang naalala ni Christian ang kanyang iniwang remarks noong siya umorder.

Ingatan at huwag ibagsak. Pag yan talaga sira papalo ko yan sa ulo nyo,” ayon sa remarks ni Christian.

Narito ang kanyang buong post:

"Nakuha ko na po yung order ko sa Shopee pero sobrang hiyang hiya ako kay kuya.

"Sir iningatan ko yan para walang hampasan ng ulo."

Di ko naintindihan so tumawa nalang ako pero pagdating ko sa bahay, nakita ko yung note na nilagay ko. J&T Express kasi e."
 Photo credit: Christian Jay Beliber
Photo credit: Christian Jay Beliber

Nagpasalamat naman si Christian sa magandang service na kanyang natanggap at sinabing nagbibiro lamang siya noong naglagay siya ng remarks sa kanyang order.

"Sobrang bilis ng delivery at sobrang bait ni kuya from J&T Express. Kayo naman po, di na mabiro, Eme eme lang yung remark na yun pero sineryoso nyo naman po, di ko alam na printed talaga. Anyway, thank you at gumagana po yung item. Walang hampasan ng ulo na naganap! Sa susunod ulit na transaction."
Photo credit: Christian Jay Beliber

Sa ngayon ay umabot na sa 64k reactions at 58k shares ang post ni Christian habang sinusulat namin ang kwentong ito.


***