Vlogger na nangmaliit ng tricycle driver, laking sisi sa nagawang kasalanan - The Daily Sentry


Vlogger na nangmaliit ng tricycle driver, laking sisi sa nagawang kasalanan




Nagsalita na ang vlogger na si Buknoy Glamurrr matapos ma-bash ng mga netizen dahil sa naging komento nito sa trabaho ng isang tricycle driver.

Sa kanyang latest vlog, humingi ng paumanhin ang naturang YouTuber sa kanyang nagawang pagkakamali.


Kamakailan lamang ay nag-trending ang video nya kung saan mapapanuod itong nagbibigay ng payo tungkol sa patuloy na pag-abot ng mga pangarap. Subalit hindi nagustuhan ng marami ang mga sinabi ni Glamurrr matapos nyang sabihin kinalaunan na kung hindi raw magsusumikap sa buhay ang isang tao ay walang wala raw itong mararating, katulad na lamang ng isang tricycle driver, ayon sa kanya.

Dito sumiklab ang galit ng mga netizen sa naturang vlogger.

Sa kanyang July 3 vlog, nag-sorry si Glamurrr sa mga nasaktan umano sa kanyang mga nasabi. 

Aniya pa, hindi raw nya intensyon maliitin ang pagiging isang tricycle driver dahil mula bata umano sya ay ito rin ang sinasakyan nya.

Panuorin ang kanyang apology video: