Lalaki, nagkaroon ng napakaraming pera matapos tumambad ang mga ito mula sa secondhand nyang kotse - The Daily Sentry


Lalaki, nagkaroon ng napakaraming pera matapos tumambad ang mga ito mula sa secondhand nyang kotse




Hindi sa lahat ng oras ay sipag at tyaga ang dahilan ng pagyaman ng isang tao. Kung minsan, ang iba sa kanila ay tinamaan ng swerte na hindi inaasahang dumating sa kanilang buhay. Tulad na lamang ng nangyari sa mapalad na lalaking ito. 


Hindi kasi nya inakala na sa isang iglap at walang kahirap-hirap ay magkakaroon sya bigla ng limpak-limpak na pera mula sa kanyang nabiling kotse.



Secondhand cars ang napagdedesisyunang kunin ng ilan na nagnanais magkaroon ng sariling sasakyan. Bukod kasi sa mas praktikal ito dahil sa mas murang presyo, marami sa mga ito ay halos mukha pang bago lalo na kung naging maingat ang first owner.


Kaya naman ito marahil ang napagpasyahang bilhin ng isang lalaki na hangad lang magkaroon ng pribado at komportableng masasakyan. Lingid sa kanyang kaalaman, isang malaking biyaya pala ang nag-aantay sa kanya mula sa nabiling secondhand na kotse.



Imbes na madismaya sya nang masira ang power window isang araw matapos mabili ang kotse, ay nasurpresa pa ito dahil tila nanalo sya sa lotto nang matagpuan ang napakaraming pera dito na animo'y nakatadhana para sa kanya.



Naganap ang nasabing pangyayari nang subukan nyang mag inspeksyon bago ito dalhin sa mekaniko. Kinalas nya ng unti-unti ang pinto ng sasakyan para masilip ito at malaman ang problema.




Nang dahan-dahan nyang tanggalin ang plastic liner sa door panel, nabigla sya sa nakitang black bag na nakasiksik sa door frame. Ito umano ang naging dahilan kung bakit hindi gumana ang kanyang power window.



Nang tingnan nya ang nadiskubreng gamit, mga bagay na hugis bricks na nakabalot sa itim na duct tape ang mga nakita nya rito. Subalit nang buksan nya ang mga ito, laking gulat nya nang bumulaga sa kanya ang napakaraming salapi. 


Iba-iba ang denominasyon ng bawat bundle na nakita na kung susumahin ay talagang nagkakahalaga ng malaki.


Ngunit para sa security purposes umano kung kaya't hindi na idinetalye pa kung magkano lahat ito. At dahil sa sasakyan na nakumpiska ng pulisya natagpuan ang mga ito ay hiniling na hindi na magpakilala pa ng lalaking maswerteng nakakita.