Super Tekla, ipinagtanggol ng kanyang Manager at kaibigang si Donita Nose - The Daily Sentry


Super Tekla, ipinagtanggol ng kanyang Manager at kaibigang si Donita Nose



Nag-viral ang komedyanteng si Super Tekla sa social media matapos ang mga akusasyon ng kanyang live in partner na si Michelle Lhor Bana-ag. 
Donita Nose, Super Tekla at Rose Conde / Photo credit: PUSH, GMA Network and Twitter

Ipinagtanggol naman si Tekla ng kanyang Manager na si Rose Conde at kaibigang si Donita Nose.

Mahal daw ni Tekla si Michelle pero naging 'di na magandang impluwensiya umano ito kay Tekla dahil sa pagsusugal at paggamit ng dr0ga.

Alam kong mayroon siyang mga mali, pero alam kong mayroon ding mga tamang ginawa si Tekla. Huminto siya sa bisyo niya, ‘di na siya nagda-drügs,” sabi ni Donita Nose.

’Di naman siya mahiwalayan ni Tekla noon dahil ‘yung babaeng ‘to ayaw din naman makipaghiwalay, dahil nga ‘yung bisyo nila pareho, nagagawa nila nang magkasama. Kapag nasa akin si Tekla, nakikinig siya, pero kapag nagte-text na si Michelle, ‘di na siya makatanggi,” dagdag pa niya.

Ayon sa Manager ni Tekla, plinano raw umano ni Michelle at ng pamilya nito ang pagkuha ng mga video kay Tekla para idiin ang komedyante sa pagsusumbong nila kay Idol Raffy. 

Nanghihingi rin daw umano si Michelle ng perang pangumpisa mula kay Tekla bago sila maghiwalay.

Hindi niya akalain [ni Tekla] na gagawin sa kanya ito ng taong minahal niya for six years. Ilang beses ko nang sinabihan na hiwalayan na niya ‘yang babaeng ‘yan kasi walang maitutulong sa kanya na mabuti, pero ‘di niya ako pinakinggan dahil mahal na mahal niya ‘yang babae na ‘yan at mahal niya ang pamilya ni Michelle. Michelle, minahal mo ba talaga si Tekla?” tanong ng Manager ni Tekla.

Ayon naman kay Tekla, hindi raw totoo ang mga akusasyon ni Michelle laban sa kanya.

“‘Di ko alam kung ano nakain niya, pero hindi totoo yung mga sinabi niya. Nag-iimbento na lang siya,” sabi ni Tekla.


***
Source: News5