Naunahan pa pala! Foreigner na nakikipag-break sa pinay, nagulantang nang ipakita ng babae ang kapalit nya - The Daily Sentry


Naunahan pa pala! Foreigner na nakikipag-break sa pinay, nagulantang nang ipakita ng babae ang kapalit nya




Sa panahon ngayon, hindi na mahirap para sa marami ang makahanap ng taong mamahalin sa tulong ng social dating apps. Kaya naman ang ilan ay mabilis na nakakapagpalit kahit kailan nila gugustuhin. 



Gaya na lang ng pinay na ito na hindi nagpatumpik-tumpik humanap ng bagong partner bilang kapalit ng lalaking nakikipag-break sa kanya. 



Sa video na kumakalat ngayon sa social media, mapapanuod ang isang lalaking foreigner na nakikipaghiwalay sa kanyang girlfriend na pinay. 


Paliwanag ng nakikipaghiwalay na lalaki, hindi nya na raw ipagpapatuloy pa ang pag-sponsor ng Fiancée visa sa naturang pinay dahil ayaw nya na raw makasama pa ito. 


Dagdag pa ng dayuhan, hindi na sya pupunta pa ng Pilipinas dahil may iba na syang gusto.


"I just wanna let you know that I will no longer sponsor your Fiancée visa. And I no longer wanna be with you. And I'm not coming down to the Philippines. And I met somebody and me and them are together for a year and I think you're a nice person but I'm sorry this has to end. I can't do it no more." pag-amin nya sa babae. 


Ang hindi alam ng lalaki, may kapalit na pala sya sa puso ng dalaga at tila nauna pa itong makahanap ng bagong boyfriend.


Aniya sa foreigner na nagpapaalam na sa kanya: "It's alright! I got a new guy." sabay pakita sa camera ng bago nitong kinakasama na foreigner din. 



"What?? Who's that??" sambit ng nagulantang na banyaga.

Panuorin dito:

@shawny816

##philippines ##pinay_tiktok ##philippine ##filipina

♬ original sound - Shawny816