Nang dahil sa chicken wings: "Suki lang namin noon, kabit na ng jowa ko ngayon" - The Daily Sentry


Nang dahil sa chicken wings: "Suki lang namin noon, kabit na ng jowa ko ngayon"




Dala ng kasalukuyang sitwasyon kung saan marami ang umiiwas lumabas ng kani-kanilang bahay upang hindi mahawa ng sakit, pagpapadeliver ng in-order online ang nagiging paraan ng ilan upang mabili ang kanilang mga pangangailangan.


Pero hindi sukat akalain ng isang netizen na ang simpleng pagde-deliver ng kanyang boyfriend ng tinitinda nyang chicken wings ang magiging mitsa ng kanilang pagkakalabuan na kalaunan ay nauuwi rin sa hiwalayan. 



Sa isang Facebook post, idinetalye ng hindi nagpakilalang netizen ang nakalulungkot na sinapit ng kanilang relasyon. Ibinahagi rin nya ang screenshot ng ilang naging usapan ng kanyang boyfriend at kabit nito. 


Kwento nya, nagsimula ang lahat sa pagi-inquire ng babae sa kanila online kung magkano ang isang order ng ibinebenta nilang chicken wings. 



Ang hindi nya alam, hudyat na pala ito ng kanyang kalbaryo. Ilang buwan na umano syang niloloko ng dalawa bago nya pa nabisto ang ginawang pagtataksil sa kanya. 


Makalipas kasi ang humigit kumulang apat na buwan, nahuli nya ang panloloko ng nobyo nang mag-chat ang kabit nito sa tila Facebook page ng kanilang online shop para sa chicken wings. 


Sa naturang chat, mababasa ang pagtatanong ng kabit kung kailan raw ba iiwan ng kanyang lalaki ang girlfriend nito dahil ayaw nya umanong maging kabit pa rin hanggang pasko.


Ayon pa sa napagtaksilan, long-time boyfriend nya ang taong nakuha syang lokohin.


"5 years kaming magkarelasyon. High School couples kumbaga. Sabay nag exam sa TCU, Legal sa both side ng parents dito na nga din sya natutulog at kumakain eh. Pero darating pa din sa point na aayaw na yung partner mo sayo." saad nya. 


"Kasi laging merong gantong klaseng babae na P*ta na aaligid sa jowa mo. Yung kating kati na talaga na dinalhan lang ng Chicken wings na fall na." pagpapatuloy ng netizen. 


Base sa kanyang mensahe sa lalaki, mistulang pinalayas nya na ito sa kanilang tirahan. 


"Well tapos na kung tapos, ilang buwan nyo na pala akong ginagag*. Tignan ko lang kung anong sasabihin ng nanay mo sayo hype ka dyan ka matulog ka motor mo." matapang na pahayag nito.


Aniya pa, "Wag na wag ka ng babalik sa bahay namin. Wala ka ngang trabaho sakin kapa humihingi ng pang hulog at gas sa motor mo."