Delivery man na nag-infect daw ng parcel, nagsalita na - The Daily Sentry


Delivery man na nag-infect daw ng parcel, nagsalita na



Viral ngayon ang kumakalat na larawan ng isang delivery guy na pinaghihinalaang nagkakalat ng sakit o vîrus sa pamamagitan ng pagdila o pagdura sa delivery item. Kaya naman maraming netizens ang nagulat at nagalit ng makita ang mga larawan ng delivery guy.

Mabilis na kumalat parang apoy ang mga larawan at screenshots sa social media kaya naman kaagad itong nakita ng mismong delivery guy.

Sa kanyang Facebook post ay nagpaliwang si Justine Rainer Israel patungkol sa kumakalat niyang larawan.

Inamin niyang idinikit niya sa kanyang mukha ang delivery item ngunit hindi niya ito dinilaan o dinuraan. Ginawa niya ito upang takpan ang kanyang mukha sa init ng araw.


Aniya, mahigit 30mins raw niyang hinihintay ang taong nag-order sa idedeliver niyang item. Sa sobrang tagal ay umupo siya at ginamit ang delivery item na panangga sa init ng araw.

hawak ko ang item nyo tinaklob ko sa muka ko para masangga ang init na kinakaharap ko para sa inyo mga buyer na sobrang tagal lumabas ng bahay,” sabi ni Justine.

Dagdag pa niya, hindi raw siya baliw para gawin ang ibinibintang sa kanya. 



PORKET BA WALA KAMING PERA KAYO MAYAMAN GENYAN GAGAWIN NYO SA TULAD NAMIN NAG HAHANAP BUHAY.” sabi ni Justine.

Narito ang kanyang buong post:

“Ako po yun nasa pic, dinikit ko muka ko oo pero hindi ko naman dinilaan o dinuraan yang item o parcel nyo porket mayaman kayo mahirap kami genyan gagayin nyo post nyo kami may makita kayo kala nyo mali mahigit 20 to 30 mins ako nag aantay sa gate nyo sa ayala alabang sa gitna ng init umupo ako dahil nakakapang hina mag antay sainyong mayayaman para lang madeliver ang item nyo pero bat genyan kayo mapang husga HINDI PA NAMAN PO ATA AKO BALIW PARA GAWIN KO YAN OO NAG TATRABAHO AKO PARA MAKAKAIN NAG TITIIS SA INITAN NAG TITIIS MAGUTOM MA DELIVER LANG ANG ITEM NA KELANGAN NYO DIBAA PORKET BA WALA KAMING PERA KAYO MAYAMAN GENYAN GAGAWIN NYO SA TULAD NAMIN NAG HAHANAP BUHAY. hawak ko ang item nyo tinaklob ko sa muka ko para masangga ang init na kinakaharap ko para sa inyo mga buyer na sobrang tagal lumabas ng bahay. godbless nalang po sainyo kung saan kayo masaya sanaaa hanggang buhay kayo maging masaya”


Umani naman ng simpatya mula sa mga netizens si Justine nang malaman nila ang buong kwento.








***