Lalaking matinik sa mga babae, modus pala upang huthutan ng pera ang lahat ng mga naka-date nito - The Daily Sentry


Lalaking matinik sa mga babae, modus pala upang huthutan ng pera ang lahat ng mga naka-date nito



Photo Courtesy: KMJS


Nag-viral sa social ang media ang isang kwento ng pagpapakita ng wagas na pag-ibig ng isang lalaki sa kanyang mga bibiktimahing mga babae upang mang-scam at manloko sa pamamagitan ng pangungutang ng pera.


Tila sana'y sa kanyang pang-momodus ang lalaki dahil hindi lang sa isa o dalawang babae lang ang kanyang nahuthutan kundi umabot pa umano ng 50 ka babae ang napeperahan niya.  


Sa kwento ng isa sa mga kanyang nabiktima na si Lily, nakilala niya daw si Eric sa isang dating app. Sa unang labas pa nga lang daw nila ay umutang na agad ito ng 2,000 pesos hanggang sa umabot sa punto na umabot na ito ng 70,000 kasama na ang mga inuutang nito sa mga tindahan. 


"Wala talaga akong balak makipagkita sa kanya. Kaso sobra siyang mapilit. Hanggang nakuha niya ‘yung loob ko. Seryoso raw siya,"


"Pero ‘yung pangungutang niya, dumalas! Magugulat na lang ako na sinisingil ako ng tindera. Kasi raw boyfriend ko siya. As in lahat ng tindahan, nautangan niya! Ako, siyempre, nahihiya ako, kaya ako na ‘yung nagbayad. ‘Yung utang niya, umabot na ng halos 70,000 pesos!"


Photo Courtesy: KMJS


Nagtataka din siya kung bakit madaming mga naka-block na mga friends nito sa kanyang social media account, hanggang dito na napag-alaman ni Lily na ang mga ito pala ay ang mga nabiktima na ng kanyang boyfriend na si Eric. 


"Hanggang sa pinagme-message ko sila lahat. Tinanong ko sila kung paano nila kilala si ‘Eric’. Ang reply nilang lahat s aakin, ‘Scammer ‘yan.’ May utang daw na P48,000. May P30,000 na utang naman doon daw sa isa. 


"Eventually, I found out na ‘yung naloko ni “Eric” sa modus niya, umabot na ng 50 tao! At nasa 1 million pesos na rin ‘yung natangay niya!”


Sa kwento naman ni Leslie, isa sa mga babaeng naloko rin ni Eric, hindi niya akalain na may tinatagong kakaibang ugali ang kanyang nobyo dahil naging maayos at nagpapakitang gilas din umano ito sa kanyang mga magulang. 

Photo Courtesy: KMJS


"Nu’ng una, maayos ‘yung relasyon namin. Ma-effort siya. Nagpakilala siya sa family ko. Nagdadala ng bouquet at cake para sa Mama ko."


Ngunit napapansin din niyang tila halos kada-sweldo niya ay nanghihiram ng pera sa kanya si Eric hanggang umabot sa punto na ipinagdadahilan na nito ang kalusugan ng kanyang Nanay para siya'y makautang ng pera pero hindi niya na ito nasingil pa. 


"Kaso every cut-off ng sahod, parang bigla-bigla siyang nagkakaproblema. ‘Yung mother niya nasa ICU. Namatay na raw. Sinasabi niya pahiram daw muna ng pera at ibabalik din niya. Pero never siyang nagbayad.”


"Halos P40,000 ‘yung nautang niya sa akin."


Nakakalungkot na kwento rin ang naranasan ni Beverly sa naging relasyon nila ni Eric, katulad kay Leslie tumityempo rin sa kanya si Eric sa tuwing sumasahod siya sa kanyang trabaho.


Photo Courtesy: KMJS


Nangungutang din daw ito sa kanya ng pera panggastos para sa Nanay niyang maysakit at nasa ospital.


“Nararamdaman niya kapag payout ko na. Manghihiram siya ng pera. Pati savings ko, nagalaw ko para mapautang siya. ‘Yung mom niya raw kasi nasa ICU. Nanghiram siyang P5,000. Hanggang sa mahigit 10,000 pesos ‘yung nakuha niya sa akin!” 


Ibinahagi din ng iilan sa mga netizen ang mga larawan ng lalaking kinikilalang si Schuyler Edoria Choa na nagtatago sa pangalang "Eric". 





Photo Courtesy: KMJS


***

Source:  KMJS

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!