Panalangin para sa kanyang agarang paggaling! Yan ang tanging hiling ni Ate Gay at ng kanyang pamilya. - The Daily Sentry


Panalangin para sa kanyang agarang paggaling! Yan ang tanging hiling ni Ate Gay at ng kanyang pamilya.



Isang sikat na komedyante kilala bilang si Ate Gay o Gil Morales sa tunay na buhay ay kasalukuyang nananatili sa isang óspital dahil sa sakit na Pneumón|ä mula pa nuong Marso 25.

Ang kondisyong ito ng komedyante ay kinumpirma ng kanyang nakababatang kapatid na si Mary Ann Morales sa isang online interview sa GMA News.


Imahe mula Ate Gay Morales | Facebook


Ayon sa kanya, ang karamdaman ng kanyang kapatid na si Ate Gay o Kuya Gil ang nagsilbing dahilan para humina ang ïmmune system nito ngunit sa kasalukuyan ay bumubuti naman na ang kanyang kalagayan.

“Medyo nagre-react naman ang mga gamot sa katawan niya as of now. May development naman. Sana po tuloy tuloy,”

“Kahit papaano nakakausap na siya, medyo lumalakas na po (ta’s) nakakatayo,” pagdagdag pa nito.

Imahe mula Ate Gay Morales | Facebook

Imahe mula Ate Gay Morales | Facebook


Sa kanyang Facebook account nabanggit ng 49-anyos na komedyante ang kanyang pagpapa-balik balik sa óspital pati na rin ang mga update sa kanyang kondisyon.

Isa sa kanyang nabanggit na kataga ay ang “Pelikula ng totoong buhay magkakasakit gagaling..Lalaban lang.”

Ibinahagi rin ni Ate Gay ang negat|bong resulta ng kanyang c0vïd-19 test.

Makikitang maluha-luha siya sa kanyang litrato habang nakahiga sa tila isang kamang pang óspital.

Imahe mula Ate Gay Morales | Facebook

Imahe mula Ate Gay Morales | Facebook


Sa kanyang pinakahuling Facebook post, sinabi nito na sasalinan siya ng isang bag na dugó para na rin sa kanyang patuloy na pagpapalakas.

Imahe mula Ate Gay Morales | Facebook


Samantala, ilang kilalang personalidad naman at kanyang mga kaibigan ang nagpakita ng suporta at mga panalangin para sa patuloy niyang pag galing.

Imahe mula Ate Gay Morales | Facebook


Kasalukuyang, naka-ïntubäte ngayon si Ate Gay at pinapakain sa pamamagitan ng Nasogastric Feeding Tube (NFT) o pagpapakain gamit ang tubo.

Imahe mula Ate Gay Morales | Facebook


Sa ngayon ay taimtim na panalangin ang hiling ng kanyang pamilya para sa kanyang agarang paggaling.

Source: www.mostrendingph.com