Tila mas lalong naging maganda ang umaga at naging isang inspirasyon kung maituturing para sa karamihan ang ginawang ito ng isang Taho vendor sa Barangay Panamitan, Kawit Cavite.
Kung saan ilang baso ng mismong mga paninda niya ang kanyang libreng idinagdag sa lamesa at ipinamahagi sa mga residente ng lugar.
Sa isang Facebook post, ipinahayag ng Project Starfish ang kanilang pagtatayo ng sariling bersyon ng community pantry kung saan naglagay sila ng mga libreng taho sa isang mesa.
Isang paraan para maibsan ang gutom at magbigay ngiti sa mga labi ng mga residente na malamang ay hindi na nakuha pang mag almusal para hindi ma-late sa trabaho.
Ayon sa post ng Project Starfish,
Project Starfish | Facebook
“We set up a little table and a few cups of taho for anyone who haven't had breakfast yet and hungry. While grabbing their free taho, the smile on their faces were priceless,”
Dahil sa marami ang natuwa sa ginawang ito ng Project Starfish, ang ating bidang magtataho ay hindi na rin napigilan ang kanyang sarili.
Nagdagdag na rin ito ng ilan pang mga baso ng kanyang paninda upang makapagbigay ng kaniyang pagsuporta sa mga nag-organisa ng naturang proyekto.
Project Starfish | Facebook
Project Starfish | Facebook
“And because of that, few more people chipped in to add more cups on the table, even the taho vendor himself,” dagdag pa nito.
Mabilis mang naubos ang mga taho na ipinamahagi nito, isa lang ang napatunayan ng lahat sa tagpong ito.
Na hindi nasusukat sa estado ng buhay at walang anuman ang maaring humadlang, para makipagbigay ng tulong sa nangangailangan.
Project Starfish | Facebook
Source: Project Starfish | Facebook