Magkumare, halos magsolian ng kandila dahil hindi nasunod ang demand na regalo ng nanay - The Daily Sentry


Magkumare, halos magsolian ng kandila dahil hindi nasunod ang demand na regalo ng nanay



Isa sa mga tradisyon ng mga Pilipinong katoliko ay ang pagkakaroon ng ninong at ninang ng isang bata kapag ito ay binibinyagan. Nasa desisyon ng mga magulang kung ilang ninong at ninang ang gusto nilang kunin.
Photo credit: Noble Drift

May mga magulang na ang kinukuhang ninong at ninang ay ang malalapit sa kanilang puso katulad ng kaibigan o kamag-anak.

Ngunit may ilang mga magulang na mas pinipiling kumuha ng ninong at ninang dahil sa estado ng kanilang buhay. Binabase kasi nila ito sa kung anong matatanggap ng kanilang anak tuwing birthday nito at araw ng pasko.
Photo credit: Noble Drift
Photo credit: Noble Drift

Iniisip kasi ng ilang tao na ang mga ninong at ninang ay may responsibilidad na magbigay ng regalo sa kanilang anak tuwing birthday nito at pasko. Hindi nila alam na ang tungkulin ng mga ito ay maging pangawalang magulang sa kanilang anak at gumabay upang maging mabuti at responsable, hind lang basta tagabigay ng regalo.

Samantala, isang ninang ang hindi nakapagtimpi sa kanyang kumare matapos nitong magalit dahil hindi maibigay ang demand na regalo para sa birthday ng kanyang anak.
Photo credit: Noble Drift
Photo credit: Noble Drift

Hindi naman kasi simpleng regalo ang hinihingi ni kumare dahil ang gusto niyang bumili ng cake at malalaking balloons ay si ninang.

Ibinahagi sa social media ni ninang ang ilang screenshots ng kanilang usapan ni kumare.
Photo credit: Noble Drift

Makikita sa screenshot na pinapasagot ni kumare kay ninang ang 2-layered cake at dalawang dosena ng balloons.
Photo credit: Noble Drift

Wala na raw kasing budget ang nanay kaya humingi siya ng tulong kay ninang. 

Ayon naman kay ninang, kung walang budget ay dapat huwag na raw ipilit at iasa sa iba ni nanay.
Photo credit: Noble Drift

Noong una ay kalmado pa ang usapan ng dalawa ngunit hindi na nakatiis si ninang nang sabihin ng kanyang kumare na ““SIGE I-ADVANCE MO NA LANG PAPASKO MO SA KANIYA. KAHIT SARADONG 4K OK NA ‘YUN, KAHIT ‘YUN NA LANG PAPASKO MO.”

Binantaan din ng nanay si kumare na tatanggalin na raw itong ninang ng kanyang anak dahil wala raw itong kwenta at kuripot.

Narito ang ilang screenshot ng usapan ng mag-kumare:
Photo credit: Noble Drift

Photo credit: Noble Drift

Photo credit: Noble Drift


Sa huli ay hindi na sumagot si kumare sa demand ni nanay.

Maraming netizens ang nagalit at nainis sa demanding na nanay. Anila, hindi nito kailangang ipilit na mag-celebrate ng birthday ang kanyang anak kung wala silang budget.


***
Source: Fact News PH