Pagbabago ng pangangatawan ni Kris Bernal, pinutakte ng mapapait na komento mula sa mga netizens. - The Daily Sentry


Pagbabago ng pangangatawan ni Kris Bernal, pinutakte ng mapapait na komento mula sa mga netizens.



Marami ang nagulat na mga netizens sa napakalaking pagbabago at transpormasyon sa pangangatawan ng 1/2 of StarStruck: The Next Level's Ultimate Love Team na si Kris Bernal.

Kitang kita ang payat at slim na pigura ng dating kapuso aktres kaya naman marami ang nagtaka ng lumabas sa social media ang mga litrato ng bagong hitsura nito.




Mula dito ay hindi na nakaligtas si Kris sa mga mapanghusgang netizens kaya naman mabilis na ipinagtanggol ng Facebook page na Ginoong Hugotero ang artistang si Bernal.

"Habang nagkakalat ako sa mga pages dito sa epbi, I saw this post ni Ma'am Kris Bernal and masyado akong naawa hindi kay Kris kundi sa mga taong patuloy na nanghuhusga dahil sa katawan niya."

Ginoong Hugotero | Facebook

Ginoong Hugotero | Facebook


"Napansin ko na 'yung mga mapanlait pa 'yung totoong kalait-lait. Mga feeling perpekto na masyadong nagmamaganda."

"Tandaan niyo, we have different body figure. Okay lang kung skinny ka. Okay lang kung chubby ka. Okay lang kung seksi ka. Okay lang kung anong fit ng katawan mo."

"Alam mo, ang hindi okay ay 'yung ipagpapatuloy mo ang pagba-body shame. Hindi ka pinanganak na perpekto kaya huwag ka umastang perfect ka."

Ginoong Hugotero | Facebook

Ginoong Hugotero | Facebook


"Kaya stay beautiful, Kris Bernal"

Ginoong Hugotero | Facebook

Ginoong Hugotero | Facebook

Ginoong Hugotero | Facebook


Malumanay namang sinagot ni Kris Bernal ang mga netizens na may maaanghang na komento sa kaniyang napiling pangagatawan.


Kris Bernal


"So sad to read negative comments from kapwa mga babae. God bless your souls, girls! Sana hindi mangyari yan sa inyo"