Naka-bike na delivery rider tinulungan ng 'dating batang kalye lamang at ngayo’y tumutulong na' - The Daily Sentry


Naka-bike na delivery rider tinulungan ng 'dating batang kalye lamang at ngayo’y tumutulong na'






Kahit pa sa hirap ng panahon ngayon, lahat ay dumaan sa matinding pagsubok ng buhay, ngunit kung may mga mabubuting tao namang handang tumulong at umalalay sa mga mas nangangailangan ay di hamak na mas nakakagaan sa dinadalang problema at tunay na nakakaantig ng damdamin makakita ng mga ganitong pangyayari. 

Isang food delivery rider ang tinulungan ng isang may busilak na puso na netizen/vlogger na kilala bilang si AwitGamer sa kanyang social media channel na humanga sa sipag at tiyaga ng rider na kahit pa umuulan ay patuloy sa kanyang paghahanapbuhay.


Nakabike lamang ang Foodpanda rider dahil sa wala itong motor na magagamit sa kanyang pagdedeliver dahil wala din itong hawak na lisensya.





“Sir umuulan at nakabike ka lang. Kumain ka na?”

“Sipag ni Kuya, kahit nakabike lang nag-foodpanda siya,” 

Hindi nagpatinag ang rider na kahit pa maabutan ng ulan at init ay patuloy sa pagpadyak kumita lang pera para umano sa kanyang pamilya.

Kaya agad siyang binigyan ni Awit ng kaunting tulong na pera at grocery bago ito umalis.

“Sayo na yang grocery. Ingat ka kuya ha. Magsumikap ka sa buhay mo. Tuloy lang,” aniya sa kanyang video. 

“Sipag ni kuya oh, biruin mo nakabike lang siya.  Sa hirap ng buhay kailangan nating kumayod. Lagi tayong magsusumikap. Lagi tayong magppray kay God.” dagdag pa niya.

Inabutan din niya ng tulong na grocery packs ang isang tricycle driver na nasa labas ng kanilang bahay.

Lubos siyang nagpapasalamat sa kanyang mga followers na naging dahilan aniyan ng kanya ring pagtulong sa ibang tao.


“Maraming salamat po sa inyong mga followers ko po kung hindi po dahil sa inyo hindi po ako makakatulong,”




Marami sa mga netizens ang natuwa sa nagawang kabutihan ni AwitGamer at dahil sa laging pagtulong nito sa mga taong nangangailangan.    

Komento pa ng isang fan ni AwitGamer, na umano'y kilalang batang kalye lamang noon, at ngayon ay tumutulong na sa ibang tao.

“Batang kalye lang noon tumotulong na ngayon, iba talaga pag galing mahirap marunong tumingin sa pinanggalingan pero Hindi lahat, SALUDO PO AKO SAINYO IDOLO AWIT🙏❣️” saad ni Robert Dojora Rollo


    
***

Source:  AwitGamer

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!