Ang Galing! Kauna-unahang babaeng Igorot na nakapagtapos sa Royal Military College of Canada. - The Daily Sentry


Ang Galing! Kauna-unahang babaeng Igorot na nakapagtapos sa Royal Military College of Canada.



Isang igorot mula Sumadel, Tinglayan, Kalinga ang kamakailan lang ang nka-graduate sa prestihiyosong paaralan na Royal Military College of Canada.

Si Ensign Carrie Faith Banglag Magannon ang kauna-unahang babaeng Igorot at PMA cadet na nkapag-tapos sa RMCC o Royal Military College of Canada.

Mula sa PMA Masidlawin Class ng 2020 si Ensign na anak nila Carlos Lumiyac Magannon at Margarita Sagubat.




Isa si ENS Magannon sa mga mapapalad na napili ng Philippine Military Academy na makapagtuloy ng pag-aaral sa ibang bansa gaya ng Canada, Japan, South Korea, America at Australia. Napili siya habang siya'y third-class cadet pa lamang o 2nd year sa PMA.

Sa isang panayam umano nito kay Mr. Eisenhower Bucalen ng Kalinga Journal, nasabi nito na walang nagudyok sa kaniya upang magpatuloy ng pag-aaral sa ibang bansa, kaya tinuring niya ito na plano ng Diyos para sa kanya kaya't sumabay na lang siya sa agos ng pagkakataon.

Pabiro pa nga itong sinagot ni ENS Magannon ng banggitin ang oportunidad na ito sa kaniya ng regitrar ng PMA nong taong 2016.

"I just took it as a joke "ang-angaw" and smiled. I never expected that someday it would be true"

Ensign Carrie Faith Banglag Magannon


“I doubted myself several times if I am good enough to be sent to study abroad, but the thought that PMA will not send me if they don’t have confidence in me strengthen my spirit. To motivate myself more, I always tell myself, “If others can, why can’t I” and with God’s grace, I graduated” dagdag pa ni ENS Magannon

Ensign Carrie Faith Banglag Magannon

Ensign Carrie Faith Banglag Magannon | Public Photos Facebook


Mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang paglalakbay nito hanggang sa matapos ang pag-aaral at pagsasanay sa Canada noong December 2020.

Nakakalungkot man na ng dahil sa pandemya ay hindi nagkaroon ng seremonya ang pagtatapos na ito noon ay isinali pa rin si ENS Magannon sa May Convocation ng RMCC na ginanap noong May 20 2021 upang pormal na parangalan.

Subalit dahil pa rin sa kasalukuyang sitwasyong pandaigdig, ay ginanap ang pagpaparangal sa Proud Igorot sa isang 'virtual' na pagpupulong.

Ensign Carrie Faith Banglag Magannon | Public Photos Facebook

Ensign Carrie Faith Banglag Magannon | Public Photos Facebook