Imbis na drama ay naging komedya! Aktor, napalunok habang gumaganap na patay. - The Daily Sentry


Imbis na drama ay naging komedya! Aktor, napalunok habang gumaganap na patay.



Nag Viral ang isa sa mga sikat na palabas ng GMA-7 Public Affairs na 'Wish Ko Lang' kamakailan lang ng dahil sa isang eksena kung saan nahuli sa camera ang paglunok ng isang aktor habang gumaganap bilang patay sa naturang palabas.

Umere ito sa telebisyon nitong nakaraang Hulyo 9 (Biyernes) tampok ang batikang aktor na si Christopher "Boyet" de Leon.




Ang nasabing patay ng napalunok ay ang aktor na Shido Roxas na nasawi ang karakter na ginampanan nito dahil sa sakit sa puso.

Kuha ang eksena sa isang morgue kung saan nagluluksa at umiiyak si Christopher de Leon sa harap ng bangkay na ginagampanang karakter ni Shido.

GMA-7 'Wish Ko Lang'


Dating lover ng namayapa ang papel ni Christopher kaya naman todo ang hinagpis nito ng nalaman ang nakalulungkot na nangyari.

Shido Roxas | Facebook


Pero ang dapat sanang madrama at nakakaiyak na eksena ay naging sentro ng katatawanan sa social media nang may nakapansin na biglang lumunok ang nagpapanggap na patay na si Shido, at nakuhanan pa ito ng camera!

Agad itong nag viral at naging usap-usapan kaya naman hindi nagtagal ay nakarating ang naturang tweet sa bidang aktor.

Ang kaniyang naging sagot: "Kayo na lang po ang wag huminga at gumalaw ng 2 mins [peace emoji] [hug emoji]."

pep.ph | Facebook


Samu't sari ang naging reaksyon ng mga netizens mapa-kapuso man o kapamilya.

Mayroon pang isang netizen na sumagot kung saan binuhay nito ang isang blooper sa ABS-CBN series na FPJ's Ang Probinsyano kung saan nahuli sa camera na nangulangot ang isang bit player na gumaganap na bangkay!



Ang nasabing palabas ng "Wish Ko Lang" ay istorya ng isang foster father na ginampanan ni Christopher de Leon at ng anak nito na ginampanan naman ni Vince Crisostomo.

Si Vince ang naging bunga ng dating lover ng karakter ni Boyet nang ito'y makabuntis ng isang babae sa katauhan ni Patricia Tumulak.