Lalaking may kapansanan, todo kayod parin araw-araw kahit sa panahon ng påndémya - The Daily Sentry


Lalaking may kapansanan, todo kayod parin araw-araw kahit sa panahon ng påndémya



Mas lalong humirap ang pamumuhay ng bawat isa sa atin dulot ng påndemya na kinakaharap ng buong mundo. Ngunit hindi ito dahilan upang huwag harapin ang mga hamon ng buhay.
Kuya Darwin / Photo credit: Jacklyn Hidalgo

Kung ang ilan ay nawawalan ng pag-asa, mayroon namang mga taong hindi sumusuko at patuloy na lumalaban.

Katulad na lamang ng isang lalaking may kapansanan ngunit patuloy parin ang kanyang paghahanap buhay makaraos lamang sa araw-araw.

Si Darwin ay matiyagang naglalako ng kanyang mga panindang alcohol at face shield malapit sa police station ng Barangay Malipa, Maguyam Silang Cavite.

Isang netizen ang nagbahagi ng kalagayan ni Darwin. Siya ay si Jacklyn Hidalgo, ang supplier ni Darwin ng mga paninda.
Kuya Darwin / Photo credit: Jacklyn Hidalgo
Kuya Darwin / Photo credit: Jacklyn Hidalgo

Sa kanyang Facebook post, nakiusap si Jacklyn sa kanyang mga kaibigan na kung sakaling madaanan nila si Darwin ay bumili sila ng paninda nitong face shield.

Aniya, may kamahalan ang benta ni Darwin ngunit isipin nalang daw na parang tulong nalang ito sa kanya.
Kuya Darwin / Photo credit: Jacklyn Hidalgo

"Hello guys. My friends from maguyam lalo na ung mga nagwowork jan. Baka po makita nyo si kuya darwin malapit jan sa may taifini sa may police station. Pakiusap po sa kanya na kayo bumili ng face shield.. Reseller ko po siya.70 pesos bentahan niya.. Medyo pricy. Pero isipin nyo na lang po tulong nyo sa kanya. Nakakaproud po iyan siya. Masipag po sa kabila ng kalagayan at pandemic," sabi ni Jacklyn sa kaniyang Facebook post.

Marami naman ang humanga sa kwento ni Kuya Darwin. Anila, isa itong inspirasyon sa lahat upang mas lalong pang magsumikap sa buhay.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

"Sana mapansin ng GMA Kapuso para mabigyan siya ng wheel chair...Kapit lang kuya may paraan si Lord..," sabi ni Rosadel Delloza.

"Ka kilala ko po yan tlagang yan po dpt ang tinotulungan at karapat dapat kc nkikita ntin ang kalagayan nya kaya panawagan po s mga nkkaluwag sana po wag ntin ipagkain ky Darwin ang kaunting tolong bahala npo c god ang bumalik ng kabutihan nyo gnawa sakanya," sabi ni Gerly Borja.

"Khit gusto nmin x tulungan,,pero mlking bagay n din po ung 20 pesos sa isang face shield,,khit gusto ko na bumili s knya, uunahin ko po muna ung pangangailngan. Iba na masasave ko sa pagbili nang face shield,, lalo na ngyon n madalang p schedule sa trbho," sabi ni Ivi Lyn Garbin.

"May GOD BLESS YOU MORE DARWIN.. MAUUBOS YANG PANINDA MO Pagpapalain k p ng mas marami in GOD'S NAME, AMEN," sabi ni Bheng Munoz Fronda Annalou.

"Salute po ako sa inyo kuya Darwin. God bless po," sabi ni Claudette Tolentino Dispo.

"Wow I salute you. Kahit ganyan ang kalagayan mo nagsusumikap. Sana tularan ka nang iba jan," sabi naman ni Cynthia Pabilonia.


***