Mister, sampal at pagbubunganga ang inabot sa kinakasama dahil sa 8K lang ang sahod - The Daily Sentry


Mister, sampal at pagbubunganga ang inabot sa kinakasama dahil sa 8K lang ang sahod




Maraming mga pagsubok ang darating sa buhay mag-asawa at maging sa isang pamilya na siyang susubok sa katatagan ng kanilang pamgmamahalan at pagsasama. 


Kalimitan ang mga maliliit na gusot pinapalaki, hanggang aabot na sa ibang mga isyu, katulad ng usapin sa pera, mga responsibilidad, priorities, maging ang mga nakaraan na ay nauungkat. 


Labis na maapektuhan sa mga bangayan at away ng mga magulang ay ang mga anak, lalo na kung mauuwi lamang ang lahat sa hiwalayan, sila na mga anak ang kawawa at magdudusa. 



Katulad nalang ng isang kumakalat ngayon na video sa social media tungkol sa pag-aaway ng mag asawa sa harap mismo ng kanilang mga nag-iiyakang mga anak. 


Makikita sa kuhang video ni Herbert Madamba, na walang tigil siyang pinagbubungangaan ng kanyang misis na si Rosalie Gonzales dahil sa hindi niya pagpasok sa trabaho at sa liit ng sahod niya hirap umano itong pagkasyahin sa mga pangangailangan nila ng mga anak niya. 



"Pinagyayabang mo kasi lagi yang sahod mo. Bakit, bawat ba sahod mo, tutubo yan sa akin? Tutubo ba yung walong libo mo? Magkano nalang binawasan pa ng dalawang libo?! Magkano nalang pambayad ng bahay?" 


"Bakit, kung mawalan ka ng trabaho anong ipapalamon mo sa amin? Gusto mo pala magtrabaho ako, dapat hindi mo ako inanakan ng inanakan,"


Makikita sa kabuuan ng video na hindi lang paninigaw ang inabot ni Herbert sa kanyang kinakasama kundi maging panan@mpal, s@kal, sunt0k, binuhusan pa siya ng tubig at pinunit ang kanyang pamasok na damit. 


Sa lahat ng pananakit at masasakit na salita ng kanyang asawa ay hindi niya ito ginantihan ng galit at pinagbuhatan ng kamay. 




"Hindi naman kasi Teacher, Pulis o Abogado ang trabaho ko para malaki sahod ko. Maghanap ka ng ikasasaya mo. Maghanap ka ng mataas ang ranggo kung maliit sahod ko,"


"Ang hirap mong intindihin. 30 lang mabigat naba yun? Ikaw naman naghahawak lahat ng sahod ko. Hindi ka pa ba masaya nun? Grabe ka pinunit mo ang damit ko. Nakakakit ka pa," 


"Yan ang mahirap sayo parang di ka sanay sa kahirapan. Lagi kang nangkukwenta,"


Ayon pa kay Herbert nag-umpisa lang ang lahat sa nawawalang kutsara nila na sa kanyan hinahanap ni Rosalie at ang paghiram niya ng cellphone niya na ang asawa niya ang may hawak para may magamit siya pagpasok sa trabaho. 


Matagal narin umano gustong kumawala ni Rosalie ngunit pilit ni Herbert na huwag wakasan ang kanilang pagsasama para sa mga anak nila.



"Hindi ako nagmamakaawa sayo na pigilan mo ako, ang sa akin magbigay ka ng sustento sa mga anak mo. Di ko kailangan na kaawaaan mo ako. Sinasabi ko sayo suntento nalang nga mga bata para tapos na tayo,"


"Masama talaga ugali ko. Hindi ako natatakot sayo kaya wag mo akong takutin," 


Narito ang post ni Herbert:  

4 years na Kami nagsasama,.... Mabait pa cya ng una, pag dating ng limang buwan, unti unti pinapakita nya ugali nya,


Ung nasa Video paalis na Sana ako papasok ng work, dahil Lang po sa isang kutsara nawala nag bunganga na....pinapahanap sakin... Naubos oras ko..tapos sa pangalawang araw sinubukan ko Hiramin ang celphone ko kc mag patogtog Lang sa company kc pang Gabi naman ako..... Na galit na agad. 



At nanampal kc kisyo may kalandian Lang daw ako.... Ung sinasabi nya na hindi ako pumapasok sa work, oo hindi ako pumapasok kc na awol na ako tapos nag apply ako ng work, Alam nya Un kc sinabi ko na medyo matagal na Yan...


Sinabihan ko cya dati, 2020, Kung anu ung mga problema, wag Idaan sa pagnanakit, pag usapan ng maayos, wag sigawan... Pangit ng ganun palagi nag aaway...paaway tlga cya.... Ganyan na siguro...


Hindi ko na nabilang pinasukan ko trabaho, Lahat Un nasira dahil sa pag aaway....


***

Source: Herbert

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!