Bride na ayaw mag pa-kiss, imbis na magpakilig ay nagbigay halakhak sa mga bisita! - The Daily Sentry


Bride na ayaw mag pa-kiss, imbis na magpakilig ay nagbigay halakhak sa mga bisita!



Isang video ng kasalan sa Tagum City ang mabilis na kumakalat at nag te-trending ngayon sa social media dahil sa pagtanggi ng isang bride na halikan ang kaniyang groom.

Ang pinaka inaabangan tuloy na "you may now kiss the bride" tuwing may kasalan ay napalitan ng halakhakan at kantyawan ng mga bisita.



Matapos banggitin ni father ang pinakahihintay na tagpo ay agad na nagtanggal ang groom na si Victor ng kanyang facemask upang bigyan ng halik ang kanyang bride na si Wena.

Ngunit kabaligtaran nito ay tila ayaw namang tanggalin ng bride ang facemask nito at nang matanggal naman ay todo iwas naman ito sa kanyang asawa hanggang sa tinakpan pa ang kaniyang bibig.

Todo Media Magazine | Facebook

Todo Media Magazine | Facebook


Hindi naman sumuko ang groom at pilit na sinusubukang makanakaw ng halik sa kanyang kabiyak ngunit bigo ang mga bisita na makakita ng matamis na halik sa bagong kasal dahil sa sobrang ilap ng bride.

Hanggang sa picture taking ay walang tigil at todo ang kantyawan ng mga tao sa simbahan, nang sa gayon ay maselyohan na ang kasalan ng dalawa.

Todo Media Magazine | Facebook

Todo Media Magazine | Facebook


At matapos nga ang ilang beses na pakiusapan ay napapayag ng mga ninong ang bride at tuluyan na ngang naka-isa ang groom.

Dahilan para magbigay ng masigabong palakpakan ang mga tao sa lugar matapos ang pagsakit ng tiyan dahil sa grabeng katatawanan na hatid ng bagong kasal para sa isang halik.

Halo-halo naman ang reaksyon ng mga netizens, na naka-saksi sa video nina Victor at Wena. Panoorin sa baba ang video:


Todo Media Magazine | Facebook