Albert Martinez hindi pa handang makipag-relasyon muli: 'Liezl's shoes is very hard to fill...pinakamabait, pinakamatalinong tao na nakilala ko' - The Daily Sentry


Albert Martinez hindi pa handang makipag-relasyon muli: 'Liezl's shoes is very hard to fill...pinakamabait, pinakamatalinong tao na nakilala ko'



 


 


Matapos ang halos pitong taon mula nang pumanaw ang kanyang asawang si Liezl, sinabi ni Albert Martinez na hindi pa siya handang makipagrelasyon muli.


Sa panayam ni Dra. Vicki Belo kay Albert sa kanyang blog, tinanong ang aktor sa kanyang buhay pag-ibig at kung may bagong babae na ba sa buhay nito.



"I don’t have any. I am still enjoying my time with my kids and apo kasi obviously I've been working hard and I missed so much time with my kids so now I am parang bumabawi sa kanila,”


"I cook for them every weekend." Ayon pa sa aktor




Nang tanungin kung kung siya ay nagkakagusto ba o naaakit sa sinuman o kung may mga babae na dumidiskarte sa kanya, ayon sa aktor, "That's normal siguro, normal process."


Ngunit aniya hindi pa siya handa at mahirap punan ang asawang si Liezl sa buhay niya.


"I don’t go through with it. Parang I’m not ready yet. Liezl’s shoes is very hard to fill."


Nang tanungin ni Vicki kung ano ang espesyal kay Liezl na hindi niya malilimutan, sinabi ni Albert na siya ang "pinakamabait, pinakamatalino" na taong nakilala niya. *



"We’re very good friends, she took really good for me. I don’t know if you believe in soulmate, but I believe she’s my soulmate," ayon kay Albert




Sa parehong vlog, ibinahagi din ni Albert ang hirap na pinag daanan nila ng kanyang pamilya noong ang kanyang asawang si Liezl Martinez ay nakikipaglaban sa cncer.




Namatay ang asawa ni Albert noong 2015 matapos matalo sa kanyang pakikipag laban sa nasabing sakit.