Isang tanyag na Football coach, tinupad ang pangarap na bahay ng Pinay na kasambahay - The Daily Sentry


Isang tanyag na Football coach, tinupad ang pangarap na bahay ng Pinay na kasambahay



Larawan mula sa PEP


 

Para ka talagang nanalo sa Lotto kung ikaw ay makakatanggap ng “villa” o isang “dream house” mula sa napaka galante mong amo.


Napabalita sa iba’t ibang sites noong 2021 ang tungkol sa tanyag na German football manager na si Thomas Tuchel, na nag bigay daw ng bonggang regalo sa kanyang Pinay na kasambahay.


Si Tuchel ay ang kilalang head coach ng Chelsea, ang Premier League football club ng England.



Ngayon ay muling nag trending sa social media ang malaking tulong ni Tuchel sa kanyang Pinay na housekeeper.


Ayon sa PEP ph, hindi lang umano isang bonggang villa ang binigay ng galanteng sikat na Football manager kundi pati pambayad sa heart operation ng anak nito.


Si Tuchel ay nanirahan ng dalawang taon sa Hauts-de-Seine district ng France para sa Ligue 1 club—ang French professional league for men’s football.


Dahil dito ay kinailangan kumuha ni Tuchel ng kasambahay para sa kanyang tirahan habang nasa France.


Naging kasambahay ang Pinay sa tirahan ni Tuchel sa loob ng dalawang taon at talagang na-impress agad umano ang Football manager sa kung paano mag trabaho ang kanyang housekeeper. *


Larawan mula sa Instagram ni Tuchel


Kalaunan ay nalaman ni Tuchel na kailangan ng malaking pera ng Pinay para sa operasyon sa puso ng kanyang anak na nasa Pilipinas.


At hindi naman nagdalawang isip si Tuchel na magbigay ng tulong pinansyal para sa anak ng kanyang masipag na kasambahay.



At sa isang pag-uusap nila ng Pinay, naitanong ng kilalang coach kung ano ang pangarap ng housekeeper, na sumagot na nais niyang magkaroon ng sariling bahay at doon siya titira kasama ang pamilya sa kanyang pagreretiro.


Kaya naman tinupad din ito ni Tuchel at ibinili niya ito ng sariling villa, ayon din sa mga ulat.






Si Tuchel ay isa sa mga pinaka kilalang managers sa buong mundo sa larangan ng men’s football. Siya ay may net worth na $20 million, ayon pa sa records noong August 2021.