The Daily Sentry: Hardship
Showing posts with label Hardship. Show all posts
Showing posts with label Hardship. Show all posts

Ang malungkot na kwento ng buhay ni Noel “Ungga” Ayala

2:17 AM
Si Noel Ayala o mas kilala sa kanyang screen name na Ungga Ayala ay ipinanganak taong 1971. Siya ay may taas na two feet and six inches (2’6).
Ungga Ayala / Photo credit to the owner

Nagmula ang screen name ni Noel na “Ungga” sa salitang unggoy. Una siyang nakita sa pelikulang “Starzan III: The Jungle Triangle” kasama ang beteranong komedyante na sina Joey de Leon at Rene Requiestas noong 1990.

Sa isang interview ng ABS-CBN, ikinuwento ni Ungga ang lahat ng hirap na kanyang pinagdaanan bago siya makapasok sa mundo ng showbiz.

Ginamit ni Ungga ang pagiging maliit upang magtrabaho at magtanghal sa iba't ibang mga karnabal tuwing panahon ng fiesta.

Naging doorman din siya sa sikat na hangout sa Malate, na tinawag na Hobbit House, kung saan ang karamihan sa mga tauhan ay mga maliit na tao.
The Hobbit House / Photo credit to the owner

The Hobbit House / Photo credit to the owner

Dahil sa kasipagan ni Ungga, sinubukan niyang pasukin ang mundo ng showbiz kung saan ay nakakapasok siya bilang extra sa ilang pelikula.

Sa kanyang pa extra-extra, hindi nagtagal ay nadiskubre ang galing ni Ungga sa pagpapatawa kaya naman lumabas siya sa mga comedy films ni Joey de Leon kasama ang sidekick nitong si 
Rene Requiestas.
Photo credit to the owner

Bukod sa pelikulang Starzan III, lumabas din si Ungga sa “Long Ranger & Tonton: Shooting Stars of the West (1989), SuperMouse and the Roborats (1989), at Romeo Loves Juliet... But Their Families Hate Each Other! (1989)” at marami pang iba.
Photo credit to the owner

Photo credit to the owner

Photo credit to the owner

Pero sa kabila ng magandang takbo ng career ni Ungga, tumagal lamang ito ng limang taon. Ang kanyang huling proyekto ay ang Milyonaryong Mini (1996), na pinagbidahan ni Anjo Yllana.

Pagkatapos nito, unti-unti ng hindi narinig ang pangalan ni Ungga sa showbiz.

Hindi rin naging maswerte si Ungga sa pag-ibig. Ipinagtapat niya na ang kabiguan sa kanyang pangalawang pag-aasawa ang nagdulot upang malugmok siya sa pagsusugal, alkoholismo, at pambababae. 

Aniya, iyon ay isang yugto lamang ng mga pinagdaanan niya sa kanyang buhay.
Noel Ungga Ayala /  Photo credit to the owner
Noel Ungga Ayala /  Photo credit to the owner

Sa kanyang huling panayam sa TV, sinabi ni Ungga na siya ay naninirahan sa Mt. Bethel, La Union, kung saan siya ay nagsisilbi bilang isang pastor sa All Christian Foundation.

Pagkalipas ng sampung taong pagkawala sa showbiz, namaalam si Ungga sa edad na 35 noong August 29, 2006 dahil sa heart failure.

Nangyari ito siyam na araw bago ang kanyang ika-36 na kaarawan.

Labis na nagdalamhati ang mga kaibigan at pamilya ni Ungga dahil sa kanyang pagkawala. 

Maaga mang natapos ang karera at buhay ni Ungga, nananatili siya sa isip at puso ng kanyang mga tagahanga at mga taong nagmamahal sa kanya.


***

Lalaking OFW sa loob ng 20 years, pag-uwi pabigat na umano sa pamilya

10:30 PM
Hindi maikakaila ang hirap at sakrispiyo ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa dahil tinitiis nila ang mahiwalay sa kanilang pamilya upang makapag-ipon ng pera.
Photo credit to the owner

Kaya napakasakit isipin na sa kabila ng kanilang paghihirap at sakripisyo, hindi man lang sila masuklian ng kaunting tulong ng mga taong kanilang natulungan.

Sa Facebook page na ‘Dubai Kabayan OFW’, ibinahagi nito ang larawan ng isang matandang lalaki na tila naiiyak sa kanyang kalagayan.

Ayon sa post, 20 years umanong kayod kalabaw ang matanda sa ibang bansa at tanging pagtulong sa pamilya ang ginawa. 
Photo credit to the owner

Photo credit to the owner

Sa paglipas ng panahon, hindi na namalayan ng lalaki na tumatanda na siya at unti-unti nang nanghihina ang kanyang katawan. Kaya nagdesisyon na itong umuwi ng Pilipinas upang makapagpahinga.

Dahil inilaan ang buong buhay sa pagtatrabaho, hindi na nagawa ng matanda ang mag-asawa kaya wala itong pamilyang mauuwian.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Tumuloy siya sa bahay ng kanyang mga kapatid dala ang kaunting pera na naipon sa pagiging OFW. Siya pa rin ang tumutustos sa pang araw-araw na gastusin sa pamilya ng kanyang kapatid hanggang sa tuluyang maubos ang kanyang pera.

Dito na umano nag-umpisang magbago ang pakikitungo ng kanyang mga kapatid. Nagpaparinig na raw ang mga ito sa kanya ng mga hindi magagandang salita. 

Pati ang kanyang mga pamangkin na pinag-aral ay halos bumaba na ang tingin sa kanya.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Nakakarinig rin daw ang matandang lalaki sa kanyang pamilya na siya ay pabigat kaya napilitan siyang umalis sa puder ng mga ito at piniling maging palaboy na lamang.

Narito ang buong post:

“10, 20 years abroad. Pinag-aral ang kapatid, anak, pamangkin. Nong umuwi sa pinas at mag for good na ay walang gaanong ipon.

Umasa sa anak, kapatid, pamangkin kasi sabi sila naman ang tutulong. Biglang nag asawa si anak, kapatid, pamangkin. Naiwan kang windang kung saan kukunin ang araw araw na gastusin.

Sino ngayon ang kawawa?

Masaklap na katotohanan. Wag ipagsawalang bahala.

Mag ipon
Mag plano
Mag siguro

Para hindi sapitin ang ganito...
Photo credit to the owner

Tandaan na di masama ang tumulong pero kilangan magtira parin para sa sarili para kahit papano may pera Kang maiuwi sa pinas. Di habang Panahon ay malakas pa ang iyong pangangatawan. Di habang buhay ay bata pa, habang tumatagal ay papunta tayo sa katandaan. Hihina ang ating pangangatawan Kaya mabuting gawin ay mahalin ang sarili. 

Habang bata pa at malakas ang pangangatawan ay mag Ipon at magpundar ng negosyo para kahit papano ay may nakaalalay sayo kahit wala kana sa abroad. Maging masinop at pahalagahan ang iyong sinasahod habang na sa abroad pa.”


***

Anak ng kubrador ng jueteng, nagtapos na magna cum laude; tinanghal na Overall Top 1 at class Valedictorian sa 7 campuses ng Arellano University

6:34 AM


“Anak ng magwe-jueteng, nakatapos sa kolehiyo”, iyan ang buong pagmamalaking saad ni Michael Cabanday Cariaga, matapos siyang grumadweyt bilang Magna Cum Laude.


Si Michael na nagmula sa Meycauayan, Bulacan, ay nagtapos nga bilang Magna Cum Laude na may 1.08 GPA sa kursong Bachelor of Secondary Education, Specialized in Filipino Language and Literature sa Arellano, University.



Sa kanyang Facebook post nito lamang Hulyo 08, 2022, buong pagmamalaki niyang ibinahagi kung paano niya naging inspirasyon ang kaniyang Ina na kubrador ng jueteng upang magsumikap siyang makapagtapos ng pag-aaral.


“I am wholeheartedly proud to declare in front of so many people that I am the son of a single mother whose occupation is a Small Town Lottery Agent or in our most common language ‘pagwe-jueteng’. Ikinahihiya ng iba, ngunit ipinagmamalaki ko!”


Aniya, tunay na mapanghamon ang buhay, dahil pagkabata pa lamang niya ay tila pang-MMK na raw ang kanilang pamumuhay.


Nariyan ang pinagtabuyan sila ng kanilang sariling ama, palayasin sa tinitirahan at magpalipat-lipat ng bahay, at ang araw-araw na panghihingi nila ng ulam sa mga karinderya.


Idagdag pa diyan ang minsang mahuli at dalhin sa kulungan ang ina ni Michael dahil sa jueteng, pagtsismisan at hamakin ng iba, at higit daw sa lahat ay ang pananaw ng marami na dahil pagwe-jueteng lamang ang trabaho ng kaniyang Ina ay wala daw makakapagtapos ng kolehiyo sa kanilang tatlong magkakapatid.





“Oo, tama sila nangyari nga ito sa dalawa kong kapatid dahil nagsakripisyo sila, at sa murang edad ay sumabak agad sa trabaho. Ngunit hindi ko ito hinayaan na magpatuloy sa akin, kahit na alam kong mahirap buong lakas loob kong ipinaglaban ang pangarap ko.”


Kaya naman nang lumuwas si Michael sa Maynila dala-dala ang isang rosaryo na simbolo ng kanyang pag-asa mula sa Diyos, ay isinugal niya ang kanyang kapalaran at doon ay nag-apply siya ng scholarship.


“Nakatapos ako ng kolehiyo sa isang mamahaling unibersidad nang kahit piso ay walang binabayaran”, dagdag pa ni Michael.


Pinasalamatan rin niya ang lahat ng taong tumulong sa kanya upang makapagtapos ng kolehiyo at tatanawin daw niya itong isang malaking utang na loob habang buhay.


“Ang pagtatapos kong ito ay hindi lamang dahil sa pagsisikap at pagpupunyagi ko, kundi malaking bahagi nito ang napakaraming tao na ginawang instrument ng Diyos upang maisakatuparan ko ito.”






Sa kanya namang muling Facebook post nitong May 8, Mother’s Day, ay pinasalamatan nya ang sakripisyo ng kanyang Ina. “Your love has been the balm for many problems we have faced. Sa loob nang mahabang panahon kinaya mong mag-isa na itaguyod kami. Ito na Ma, unti-unti nang nagbubunga ang lahat ng sakripisyo mo at nila ate.”


“Espesyal ang Mother’s Day na ito sapagkat malapit ko nang maibigay sa iyo ang pinaka espesyal na regalo ko, ang diploma ko sa kolehiyo. Malapit na Ma, malapit ko nang matupad ang mga pangarap ko sayo. Ma, papunta na tayo sa exciting part.”


Ang graduation nina Michael ay nakatakda pa sa September 30, pero sa ngayon ay nagtatrabaho na sya sa Arellano University - Manila Campus bilang isang Senior High School Teacher.


Siya rin ang tinanghal na 2022 Overall Top 1 at class Valedictorian sa pitong campuses nang Arellano University.






Naka-enroll na rin siya para sa kanyang master's degree sa education at pinaghahandaan na rin nya ang board exam.


Payo naman nya sa mga Education students, “Pagbutihin at pagsikapan na ninyo ang pag-aaral at huwag ninyong baliwalain na parang high school lang ang college.”


“Totoo ang kasabihan na kusang lalapit sa iyo ang trabaho once na may na-establish ka na magandang grades and achievement during your college days”, saad pa ni Michael.   

Bangko na tinanggihan syang mag-loan noon, binili nya at ginawang paupahan

8:23 AM


Sa isang napakapambihirang pagkakataon, tila bumaliktad ang tadhana matapos magawang bilhin ng isang lalaki ang bangkong noon ay tinanggihan syang tulungan na isakatuparan ang kanyang mga pangarap. 


BILOG ANG MUNDO. Ito ang pinatunayan ng isang lalaking bumangon mula sa kahirapan matapos niyang bilhin ang isang bangko na dati ay tinanggihan siya na makapag-loan noong mga panahon na hindi pa sya ganoon kayaman, ‘di tulad ngayon. 





Ang biniling bangko? Gagawin lamang nyang isang apartment upang maupahan ng kahit sino.


Tunghayan ang makulay na kwento ng tagumpay ni Adam Deering na tiyak ay kapupulutan ng aral at inspirasyon.


Isa na ngayong successful na negosyante, ibinahagi ni Adam ang hirap na mga pinagdaanan niya noon para magtagumpay sa buhay. Payo nya, dapat na itatak sa isipan na hindi permanente ang sitwasyon mo ngayon sa kasalukuyan.





“Remember, your current situation is never your final destination” aniya.


GUMUHONG PANGARAP


Labing-walong taon na ang nakakaraan noong nagsisimula pa lamang si Adam na magtayo ng kanyang pinapangarap na negosyo. Subalit tila guhumo ang mundo nya nang tanggihan siyang pautangin ng bangkong kanyang nilapitan.






Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Adam kung papaano niya nabili ang gusali ng nasabing bangko na ngayon ay balak niyang gawing apartment.


“So last week, I brought the bank building where I got knocked back for a loan at 21 years old! So, when I was a** 21-years-old, I had a dream to work for myself and set-up my own business.”


BUSINESS LOAN


Ayon kay Adam, gumawa siya ng isang business plan at nagpa-set ng appointment sa manager ng naturang bangko upang makausap ito tungkol sa kanyang plano na makakuha ng business loan na magiging kapital niya sana para sa kanyang ninanais na negosyo.


Habang nag-aantay sa kanyang appointment ay todo-todo ang panalangin ni Adam sapagkat wala talaga siyang pera o pang-kapital na magagamit para maisakatuparan ang negosyong kanyang pinapangarap.


“I sat down with my fingers and toes crossed and the woman who was the bank manager took my business plan, went through it quickly and in a patronizingly tone said the problem is, ‘Adam, you are a bit young and you have no business experience. This isn’t something we can do at this stage.” paliwanag ng bank manager sa noon ay binata pang Adam. 



NAGIPIT NGUNIT NAGPURSIGI 


Labis na pagkabigo ang naramdaman ni Adam, hindi lamang dahil tinanggihan siyang pautangin ng bangko kung hindi dahil wala siyang Plan B at naka-alis na siya sa kanyang pinagtatrabahuan.


Ang natitira naman niyang pera ay sapat na lamang para sa tatlong buwan pang-renta sa kanyang tinutuluyan at mayroon siyang phone-line off BT na nasa ilalim ng 30-day credit term.


Ngunit, ang mga pagsubok na ito ay tila naging motibasyon pa ni Adam upang magpursigi sa buhay at ngayon nga ay natupad na ang matagal niyang pinapangarap.


SUCCESS IS THE BEST REVENGE


Sa kasalukuyan ay isa ng business tycoon si Adam at pinamumunuan niya ang limang multi-million companies na kinabibilangan ng debt management firm.


Sabi nga nang nakakarami, ‘Kapag may nagsarang pinto ay may magbubukas na bintana’, at pagpapatunay dito ang mga pinagdaanan ni Adam. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang istorya niya para sa mga taong nagnanais na tuparin ang kanilang mga pangarap.

Isang tindera, binahagi na kumikita ang isang Badjao ng P500 sa ilang oras na 'kalabit-penge'

11:28 PM

Larawan mula sa post ni MJA Variety Nueva Ecija

Isang tindera sa palengke ang nag viral kamakailan sa kanyang post kung saan ay nagpapalit sya ng mga barya sa isang Badjao na nanghihingi ng limos sa kanilang lugar.

Ayon sa post, nagpapalit ang may-ari ng tindahan dahil kailangan nya ng mga barya panukli, at nagulat siya ng pumayag ang badjao na palitan ang kanyang pera.

 
Di naman akalain ng tindera na makakabuo ng 500 mula sa mga barya na kinita ng badjao mula sa panghihingi ng barya sa mga dumaraan sa kanilang lugar.
 
Tinanong din niya ito kung anong oras pa nagsimula ang pulubi, at sumagot ito na alas sais lang ng umaga.
 
Narito ang kabuuan ng post n amula sa MJA Variety ng Nueva Ecija:
 
"Share ko lang. Dahil wala na akong mga coin na pambarya, nilapitan ko c ate badjao kung madami na ba cya coins.
 
Me: ate madami ka na ba barya? At buuin ko.
Badjao: oo, piso at lima
(After naming magbilang, nagtanong uli ako)
 
Me: ate ilang oras ito?
Badjao: alas sais nagsimula.
 
Nakabuo kami ng 500 pesos ilang oras lang un sa bawat customer ko na nilalapitan nya. Meron magbigay meron din naman hindi. Yung magugulat ka nalang mas Malaki pa kinikita nya sa 8 hrs na nagtatrabaho."



Larawan mula sa post ni MJA Variety Nueva Ecija


 

Iba-iba rin ang naging reaksyon ng mga netizens sa post na ito, mas marami ang dinaan sa biro na sana ginaya nalang nila ang badjao kaysa magtrabaho ng 8 oras sa isang araw. Narito ang ilang mga komento mula sa post ng MJA Variety Nueva Ecija
 
“Dapat pala simula nun nag work ako ganito nalang ginawa ko baka mayaman nako”
 
“papakahiram pa tayo mag trabaho, pamamalimos lang pala solusyon “
 
“haha di na ako mag business mamamalimos nalang din ako di pa ko pagoda! “
 

Matatandaan na sinabi noon ni Rita Gaviola na nakillala bilang “Badjao Girl” sa isang panayam na naging tradisyon na nila ang pagbaba sa kalunsuran at pamamalimos. 
 



Nag trending noong 2016 si Rita dahil sa angking natural na kagandahan na nakunan ng larawan ng isang netizen habang namamalimos ito sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.
 
Matapos sumikat ay pumasok si Badjao Girl sa mundo ng showbiz at napabilang sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7.
 

Estudyante, pinaalis sa pila sa mismong araw ng pagtatapos kahit nakabayad naman ng graduation fee

6:42 PM

screenshot mula sa TikTok




Labis na lungkot at pagkadismaya ang naramdaman ng isang nursing graduate ng Lorma Colleges La Union na si John Marcelino Rosaldo dahil siya ay hindi pinayagang makaakyat sa stage sa araw ng kanyang pagtatapos noong Hunyo 23, 2022 kahit siya ay nakapagbayad naman ng kanyang graduation fee sa nasabing paaralan.
 
Pinost ng kapatid ni John Marcelino na si Celene Rosaldo ang nangyari sa kanyang kapatid na may caption na “di naman masakit” at makikitang walang diploma si John.

 
Sa sumunod naming video na binahagi ng Celene, sinabi niyang naiyak ang kanilang ina sa nangyari sa kanyang anak, bagay na kanyang pinakahihintay.


screenshot mula sa TikTok



Ang pinaka-masakit po dun ay yung itsura ng nanay ko po na kitang-kita niya na yung anak niya na pinull out sa line papuntang stage upang i-receive sana yung diploma,” pahayag ni Celene nang makapanayam ng Balita Online.
 
Pinakita din ng kapatid ni John ang proof of transaction bilang patunay na nabayaran ang paaralan isang araw bago ang mismong araw ng seremonya, Hunyo 22.
 
Sa iba pang mga larawan na binahagi ni Celene makikita na may hawak na diploma si John ngunit hiniram lamang daw ito para sa photo ops.*
 
Samantala, matapos mag viral ang video na ito ni Celene ay naglabas naman ng pahayag ang panig ng Lorma Colleges.


Proof of payment ni John isang araw bago ang graduation | screenshot mula sa TikTok



 
Ang pahayag ay nagmula kay Dr. Carol Lynn R. Macagba, ang presidente ng Lorma Colleges, na inilabas sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.
 
"We are deeply concerned and saddened by what transpired during the recent graduation ceremony of Lorma Colleges involving one of our students," panimula ng pahayag
 
"We sympathize with the family and are currently trying to get in touch with him and/or the family to discuss and investigate what exactly happened and to ensure that this type of incident does not happen again.

 
"Lorma Colleges continues to be committed to the education of the present generation ang future generation students to come." ayon pa sa Lorma Colleges *
 
Noong Hunyo 24 ay nagkaroon umano ng paguusap sa pagitan ng pamilya ni John at ni La Union Provincial Board Member Joy Ortega.
 
Nangako si Ortega na tutulungan si John sa kanyang board exam review at gagawa ng ordinansya upang mapigilan na maulit ang ganitong pangyayari.


Pinahiram na diploma kay John para sa photo ops | screenshot mula sa TikTok


 
“Ang inyong lingkod ay tutulong sa nursing board examination review ni John, at magsusulong tayo ng ordinansa sa Sangguniang Panlalawigan para hindi na maulit ang insidenteng ito.” Ayon kay Ortega
 
Maraming netizens din ang nalungkot at nakisimpatya sa nangyari kay John sa araw na pinakahihintay sana ng kanyang nanay, ang umakyat sa entablado sa pagtatapos ng anak.

Kahit sinong magulang ay tiyak na maiiyak at malulungot sa nangyaring ito, para sa kanyang anak na pinag sikapan at itinaguyod na makatapos ng pag-aaral dala ang pag-asa na makakaahon sa hirap balang araw. 

 

Isang lolo na empleyado ng BPO, tindero naman ng chicharon sa araw ng kanyang day off

10:08 PM

Larawan mula sa Facebook post ni Iya Gonzales

 


Kamakailan lang ay isang senior citizen na nagtatrabaho bilang empleyado ng isang BPO company at nagtitinda rin ng chicharon ang naging viral at umani ng mga papuri sa mga netizens.


Ang larawan ng masipag na lolo ay binahagi ng netizen na si Iya Gonzales na nakasabay ng matanda sat tren.


Napansin ni Iya si lolo na kinilalang si Manuel Felipe na may dala-dalang malaking plastic bag na naglalaman ng mga chicharon habang nakasuot ang kanyang company ID lace sa loob ng tren.



Nilapitan ng netizen ang matanda para sana bumili ng paninda ni lolo, ngunit may mga nagmamay-ari na pala ng kanyang mga dala.


Nakipag usap si Iya kay lolo ng ilang minuto pa at nalaman niyang nagtitinda ng chicharon si Tatay Manuel tuwing Lunes at Martes sa araw ng kanyang pahinga.


“This hardworking man caught my attention as I saw him wearing a BPO company lace while carrying a bag full of chicharons. When I got the chance to talk to him while were going out of the train, I asked him if he is selling the chicharon kasi gusto ko sana bumili dahil favorite to ni mama, then he explained that meron ng nakareserve bawat chicharon sa mga ka-officemates niya. We talked a bit more as he seems to look at me as I am interested in what his selling.” Pagbabahagi ni Iya


“He told me that his day off is every Mon and Tues and can arrange a meet-up of order for chicharon every Tuesday night at MRT Taft station.” Dagdag pa ng netizen *


Para makatulong kay lolo Manuel ay kinuha ni Iya ang numero ng cellphone nito para sa mga nais bumili ng chicharon kay Lolo.


Talaga namang marami ang humanga sa sipag ni lolo dahil sa kabila ng kanyang edad ay ruma-raket pa ito ng pagtitinda kahit mayroon naman siyang regular na trabaho sa BPO.


Sa kanyang pakikipag usap kay Tatay ay nalaman din ni Iya na si tatay ay galing pang Pampanga at bumiyahe sa kanyang pahinga para ihatid ang kanyang mga paninda.


Larawan mula sa Facebook post ni Iya Gonzales



“I admire him as he works at a BPO company full time while selling chicharon as his sideline + imagine carrying a bag full of chicharon from Pampanga to Pasay! This kind of man inspires me so much that even though life is so hard, people like him still find a way to survive and live a happy life. Salute to you Sir Manny” ani Iya



Sana ay makatulong ang pagbabahagi ng kwento ni lolo Manuel upang mas dumami pa ang kanyang mga customer.

Kwentong OFW: Isang dating Manikurista, may-ari na ngayon ng sariling Salon sa Morocco

11:38 PM

Larawan ni Yolanda Romero mula sa PNA

 


Karaniwan na dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga Pilipino ay upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya at makaahon sa kahirapan.


Katulad nalang ng kwento ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Yolanda Romero na tinawid ang halos kalahati ng mundo, upang mag trabaho bilang manikurista sa Morocco, Africa.



Nagtrabaho si Yolanda sa isang salon sa Rabat at kalaunan ay lumipat sa Moroccan port city ng Tangier.


Isang single mom, tiniis ni Yolanda ang hirap sa pagtatrabaho sa ibang bansa kahit maliit lang ang suweldo dahil gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral ang dalawang anak na iniwan niya sa Pilipinas.


Umalis siya noong high school pa ang kanyang mga anak, pero ngayon ay buong pagmamalaki niyang sinabi na nakatapos na ang dalawa sa kolehiyo.


At hindi lang iyon, dahil ngayon ay siya na mismo ang amo.


Sa isang panayan sa Philippine News Agency (PNA), ibinahagi ni Yolanda na iniwan niya ang kanyang dating amo noong nakaraang taon at nagtayo ng isang maliit na salon sa kanyang inuupahang bahay.


Aniya, naakit ang kanyang mga dating kliyente na mag punta sa kanyang salon at kumikita na siya ngayon ng triple kumpara sa kanyang dating sweldo. *




"Ang kinikita ko noon sa salon maliit kumpara sa ipinangako sa akin noong una kong pasok. Ngayon, salamat naman at ang kinikita ko sa small business ko triple pa sa suweldo ko ngayon (I got meager pay compared to what was initially promised to me. I'm thankful that now, my earning is thrice higher than what I get from my previous employer)," ayon kay Yolanda



"Mayroon na rin akong business ID. Direkta 'yong mga kliyente ko kaya marami rin akong natutulungan kasi marami na talaga akong kilalang Moroccan (Now I have a business ID, too. My clients visit me directly that's why I'm also able to help other Filipinos because I know a lot of Moroccans)," dagdag pa niya


Kwento pa ni Yolanda, ang mga Moroccan, sa pangkalahatan, ay mabait at sibil na katrabaho, bihira umano siyang nakaka rinig ng reklamo tungkol sa pang-aabuso sa mga migrante doon.


Gayunman, inamin ni Yolanda na napakahirap ng kanyang mga unang taon sa ibang bansa.


"Isipin mo iniwan ko ang mga anak ko, nangutang ako sa agency para sa PHP50,000 kasi wala akong perang pambayad. Sa pitong buwan nagbabayad ako niyan, ang suweldo ko diretso sa agency. After that, two months pa lang nakaka-sahod, nanay ko namatay (Imagine, I left my children, borrowed money from my agency because I don't have money to shell out. Two months after that, my mother died)," kwento niya *


At noong nakaraang taon ay nalaman niya na hindi pala na-processo ng kanyang dating amo ang kanyang social security fund pagkatapos ng 10 taon na pagtatrabaho sa kanila.


"Hindi ako binigyan ng papel, nagtiwala lang ako noon at kumpyansa sa amo. Noong dumating 'yong pandemic doon ko nalaman na wala pala akong CNSS (Caisse Nationale de Sécurité Sociale) o 'yong insurance nila (I just trusted them but when the pandemic came, that's when we found out we don't have a CNSS)," aniya


"Ngayon naawa ako sa mga taga-salon kasi naaalala ko 'yong buhay ko dati sa kanila. Ako noon kahit may sakit 'pag tinawagan ako walang excuse, may client ka, gagawa ka pa rin kahit nahihilo ka o inaapoy ka ng lagnat-- lahat 'yon pinagdaanan ko (I sympathize with my fellow Filipinos working in the salon now because I could see myself in them. Back then, even when I was sick, I don't have a choice but to clock in, you need to work even if you're burning up with fever-- I went through all)," dagdag pa ng OFW


Tiniis umano ni Yolanda ang mga paghihirap na ito sa loob ng maraming dahil hindi niya alam ang kanyang mga karapatan. *


"For how many years nagtiis ako nang ganoon kasi hindi ko alam ang Morocco, wala pang Embassy noon para mahingan ng tulong (I endured everything because I don't know Morocco, and at that time we don't have an Embassy to turn to for help)," aniya pa


Ang mga Moroccans daw ay mababait naman ngunit mahigpit sila pagdating sa pera.


"Talagang kawawa ang mga Pilipino noon kaya salamat nalang at nagkaroon na ng Embassy dito, may malalapitan na kami hindi na kawawa. Kaya 'pag may matinding problema mabilis kong naipapadala ang number ng Labor (office) at tsaka number ng Embassy (The Filipinos back then were pitiful that's why it's good that we opened the Embassy here. When there is a problem, I can easily refer them to the Labor office or the Embassy)," kwento pa ni Yolanda sa PNA



Kahit sa kanyang bagong tagumpay sa North Africa, sinabi ni Yolanda na patuloy siyang magpupursige, sa pagkakataong ito para pondohan ang itinatayo niyang bahay sa Pilipinas.


"Noong nasa Pilipinas, 17 years akong manikurista, mahirap kumbaga dino-doble ko na 'yong kayod ko halos gawin ko nang araw 'yong gabi pero ang kita hindi pa rin sapat. Thank God, ngayon nakatapos na 'yong dalawang anak ko (When I was still in the Philippines, I worked for 17 years as a manicurist, it's hard because even if I doubled my efforts, my income was not enough. Thank God, my kids have finished their studies)," aniya

 

 

 

Isang tanyag na Football coach, tinupad ang pangarap na bahay ng Pinay na kasambahay

11:53 PM

Larawan mula sa PEP


 

Para ka talagang nanalo sa Lotto kung ikaw ay makakatanggap ng “villa” o isang “dream house” mula sa napaka galante mong amo.


Napabalita sa iba’t ibang sites noong 2021 ang tungkol sa tanyag na German football manager na si Thomas Tuchel, na nag bigay daw ng bonggang regalo sa kanyang Pinay na kasambahay.


Si Tuchel ay ang kilalang head coach ng Chelsea, ang Premier League football club ng England.



Ngayon ay muling nag trending sa social media ang malaking tulong ni Tuchel sa kanyang Pinay na housekeeper.


Ayon sa PEP ph, hindi lang umano isang bonggang villa ang binigay ng galanteng sikat na Football manager kundi pati pambayad sa heart operation ng anak nito.


Si Tuchel ay nanirahan ng dalawang taon sa Hauts-de-Seine district ng France para sa Ligue 1 club—ang French professional league for men’s football.


Dahil dito ay kinailangan kumuha ni Tuchel ng kasambahay para sa kanyang tirahan habang nasa France.


Naging kasambahay ang Pinay sa tirahan ni Tuchel sa loob ng dalawang taon at talagang na-impress agad umano ang Football manager sa kung paano mag trabaho ang kanyang housekeeper. *


Larawan mula sa Instagram ni Tuchel


Kalaunan ay nalaman ni Tuchel na kailangan ng malaking pera ng Pinay para sa operasyon sa puso ng kanyang anak na nasa Pilipinas.


At hindi naman nagdalawang isip si Tuchel na magbigay ng tulong pinansyal para sa anak ng kanyang masipag na kasambahay.



At sa isang pag-uusap nila ng Pinay, naitanong ng kilalang coach kung ano ang pangarap ng housekeeper, na sumagot na nais niyang magkaroon ng sariling bahay at doon siya titira kasama ang pamilya sa kanyang pagreretiro.


Kaya naman tinupad din ito ni Tuchel at ibinili niya ito ng sariling villa, ayon din sa mga ulat.






Si Tuchel ay isa sa mga pinaka kilalang managers sa buong mundo sa larangan ng men’s football. Siya ay may net worth na $20 million, ayon pa sa records noong August 2021.