Larawan mula sa post ni John Casiño |
Marami ang naantig sa post na binahagi ng netizen tungkol sa isang ama na matiyagang tinutulungan ang anak na sagutan ang module nito na Math subject habang nasa labas ng local burger stand.
Sa kasalukuyan, ang post na ito ni John Casiño ay nakakuha na ng libo-libong share at reactions.
Ayon kay John, habang naghihintay ng kanyang order ay naririnig na niya ang mag-ama at hindi rin niya alam kung may order ang mga ito na pagkain o sadyang andon para may liwanag mula sa tindahan.
“Initially when I arrived, there were three of them; the other one was eating all the while trying to coach and explain the Math problem to the father and son duo. I realized he was only a local customer who lent his help when he hurriedly walked away as rain started to pour.”
At dahil nga umalis na ang unang customer na tumulong sa mag-ama, napilitan na daw si tatay na lapitan si John dahil hindi din niya alam ang sagot sa isang tanong na tungkol pa rin sa Math. At agad naman ding tumulong si John sa dalawa. *
Larawan mula sa post ni John Casiño |
“"Hala, hindi ko na alam ito anak. Hindi ko na maintindihan." I overheard the father shamelessly admitting to the crowd around them. While (I) gazing upon them the father looked my way and said, "Pare, baka naman alam mo paano ito?" Without second thoughts I immediately offered my help and tried explaining the problem, discounting the fact that it was closing time and I had to be home.” Ayon pa kay John.
Pabiro pang sinabi ni tatay na grade 3 lang daw kasi ang tinapos nya at kung tutuusin ay baka magka-klase lang sila ng anak niya.
“"Hanggang grade 3 lang kasi ako, kaya kung tutuusin magkaklase kami ng anak ko," I jokingly replied to him, "malapit ka nang maabutan/malamangan boss."," kwento pa ni John
At para makauwi ang mag ama ay nag volunteer na din si John na sagutan na niya ang mga naiwang tanong sa module.
“I told them that if they didn't mind I would instead finish the problem so they would be done quicker, the father agreed and so I did answered the questions using the unsharpened pencil they had. He said his thanks and I told him it wasn't a problem.” Aniya
Ayon pa kay John, nauna siyang umuwi sa dalawa na tila inaaral pa ang mga sagot sa module at kanyang napag tanto na hindi man perpekto si tatay, ngunit hindi ka mabibigo sa pagmamahal na kayang ibigay ng isang ama.