Lalaki, nakapagpatayo ng bahay at 3 resort sa edad na 30: 'Tang*na, wag ka susuko' - The Daily Sentry


Lalaki, nakapagpatayo ng bahay at 3 resort sa edad na 30: 'Tang*na, wag ka susuko'



Photo by Prince Chan | FB

Tunay nga na hindi dahilan ang minsang kabiguan upang sumuko sa buhay. Ito ang pinatunayan ni Prince Chan na sa edad na 30 years old ay nakapagpatayo ng sarili niyang bahay and 3 resort sa Rizal.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Prince ang sikreto kung papaano niya nakamit ang mga ito na talaga namang hinangaan ng maraming netizens.

Photo by Prince Chan | FB

Kwento ni Prince, umabot siya sa punto ng buhay niya na ang isang noodles at itlog ay pagkakasyahin niya na para sa buong maghapon ngunit hindi ito hinayaan na maging dahilan upang siya ay sumuko sa buhay.

Photo by Prince Chan | FB

"7 years ago, bumagsak ako halos gusto ko na mamatay dahil sobrang hirap ng buhay," pahayag niya.

Sinubukan niya umano na humingi ng tulong sa iba ngunit wala siyang napala. Kaya naman nagpursigi siyang magsumikap na hindi umaasa sa tulong ng kahit sino at sinumulan niyang umasa na lang sa kanyang sarili.

Photo by Prince Chan | FB

Narito ang buong kwento:

"10 years ago nag simula ako mag business, walang naniniwala, walang sumuporta. 7 years ago bumagsak ako halos gusto ko na mamatay dahil sobrang hirap ng buhay. Walang tumulong kahit pamilya. (Ako) pag may gusto ako hindi ako sumusuko, kahit gaano kadami k*pal sa mundo, laban lang basta alam mo direksyon na gusto mo.

Photo by Prince Chan | FB

Lahat ng kita iniipon ko, 'yung P50k ko na puhunan dati, naghanap ako ng pagkakakitaan. Kunyare yung P50k ko kumita ng P24k, sa utak ko P4k lang pera ko. 'Yun lang pwede ko gastusin. 'Yun P20k dagdag sa puhunan 'yan eh di P70k na. Tapos gano'n lang palagi.

Photo by Prince Chan | FB

Photo by Prince Chan | FB

Mindset ko lagi 'yun na kahit gaano kalaki income, 'di ako nag uupgrade ng lifestyle. Kung dati itlog lang kinakain ko araw-araw, 'yun pa din hangang ngayon. Kung ano ako dati, 'yun pa din ako ngayon. Huwag na 'wag lalaki yung ulo.

Photo by Prince Chan | FB

Isa sa mga ginagawa ko every year, kinakalaban ko un sarili ko last year. Dapat mas okay sa ako na last year.

Photo by Prince Chan | FB

Dati sinubukan ko manghingi ng tulong, wala ako napala. Kaya nagsikap ako na walang tulong galing kahit kanino. Walang nakaw na ideya at diskarte. Lahat galing sa sarili. Walang utang at walang utang na loob. 

Totoo na kapag napagdaanan mo 'yung totoong hirap at nabuhay ka ng walang wala, lahat ng 'to bonus na lang talaga.

Photo by Prince Chan | FB


(This) Post is not to brag but to insipire lalo sa mga nahihirapan dyan. Umabot ako dati talaga na 'yung isang noodles at egg ay pagkakasyahin ko buong araw. Tang*na kaya huwag susuko, kahit gano kahirap. Makaka-angat ka din kahit pa unti unti. May kanya kanya tayong timeline. Tanggalin mo 'yun yabang. Tapos, yun diskarte, dagdagan mo ng dasal, minsan may chamba. At 30, nakapagpatayo ako ng sariling bahay and 3 resort. All in God's perfect time."

Sa kasalukayan, si Prince ay may isang tahimik na buhay kasama ang kanyang pamilya at nagmamay-ari ng 3 resort sa Rizal; ang The Villa, Casa Siyerra at Siyerra Kabana.

Photo by Prince Chan | FB

Source:1