Basketbolistang Beki, sinikmuraan ng kalaban dahil sa husay maglaro. Gumanti ng tadyak! - The Daily Sentry


Basketbolistang Beki, sinikmuraan ng kalaban dahil sa husay maglaro. Gumanti ng tadyak!



Hindi umano matanggap ang pagkatalo kaya nanuntok na lang. 'Yan ang naging titulo sa Facebook post ng isang baklang basketbolista na kinikilala ngayon sa internet bilang si "Rona Beki Irving."

Ronald Roble sa tunay na buhay, hindi naging balakid ang kanyang kasarian upang dominahin at paghusayan ang larong kanyang kinahihiligan.




Sa nasabing Facebook post, kita na parehong gigil ang dalawang koponan. Tuloy-tuloy at walang tigil ang pisikalan.

Ilang puntos din ang naitala ng baklang bida hanggang sa lumaki ang kalamangan at nagtapos sa iskor na 47-71 pabor sa team ni Ronald.

Ilang segundo na lang ang nalalabi ngunit tuloy pa rin ang hiyaw ng mga fans ni Beki Irving na nagnanais na makita itong umiskor hanggang sa huling segundo ng laro.

Rona Beki Irving - Ronald Roble | Facebook

Rona Beki Irving - Ronald Roble | Facebook


Dito na nga nagyari ang pananakit ng natalong player sa baklang basketbolista.

Dahil sa bilis ng aksyon, hindi malinaw kung sundot o suntok ang ginawa ng kalaban ngunit kitang kita sa bidyo ang pananadyang sikmuraan si Ronald habang ito'y papalusong sa basket upang itira ang bola.

Namilipit ito sa sakit at paikaikang tumabi sa isang gilid malapit sa referee na tila umaapela ngunit hindi ito pinansin.

Rona Beki Irving - Ronald Roble | Facebook

Rona Beki Irving - Ronald Roble | Facebook


Nang mapalapit ang player na nanakit sa bench ng team ni Ronald ay dito na siya gumanti ng tadyak.

Agad naman umawat ang mga referee at ilang players para pakalmahin ang sitwasyon. Habang inaawat ay tuloy naman sa pangagantyaw ang mga supporters ng team ni Beki Irving sa naturang player.

Nagkaroon man ng pisikalan, sa huli ay maayos namang nagtapos ang laro at hindi na nahabol ang kanilang kalamangan.

"its part of the game enjoy naman po kami lahat love love lang po no hate" Ani Rona Beki Irving.

Rona Beki Irving - Ronald Roble | Facebook

Rona Beki Irving - Ronald Roble | Facebook