Dennis Padilla sinagot ang anak na si Leon "Sorry, Miss ko lang kyo. Been reaching out for 15years in private" - The Daily Sentry


Dennis Padilla sinagot ang anak na si Leon "Sorry, Miss ko lang kyo. Been reaching out for 15years in private"




Naging mainit sa mga mata ng medya at ng mga netizens ang mga sagutan sa social media at patuloy na hindi pagkakamabutihan ng relasyon ng aktor at komedyante na si Dennis Padilla sa kanyang dating asawa na si Marjorie Baretto at tatlo nilang anak na sina Julia, Claudia, at Leon. 


Sinagot ni Dennis ang Open letter ng kanyang bunsong anak na si Leon tungkol sa kung bakit mas pinipili ng kanyang Amang pag-usapan ang sigalot at problema nilang mag-ama sa social media na nagreresulta lamang upang mapahiya at mabash silang magkakapatid ng ibang tao. 



Sa kanyang Instagram account, nag post si Dennis ng larawan nilang dalawa ni Leon at humingi ito ng kapatawaran sa ginawa niya dahil sadyang namimiss niya lang daw silang mga anak niya.



"I am sorry leon... Miss ko lang kyo... God bless you more!,"


Ngunit sa parehong post, nais malaman ni Dennis kung anong mga "False Narratives" ang kanya umanong mga nabanggit sa kanyang mga posts, at sa pagsasalita sa publiko. 


Iginiit din ng aktor na nakikipag-usap at nakikipag-ugnayan siya bilang ama sa kanyang mga anak sa pribadong paraan ng halos 15-taon na. 


"Just want to know what false narrative i said in public? I been reaching out to all of you for 15years in private,"


Lantarang isinapubliko ni Leon ang umanoy "nakakatraumang" karanasan nilang mag-Ate sa tuwing nais nilang makikipag-usap sa kanilang ama. 



“For years I watched my sisters get torn into pieces because of your false narratives and not once did they ever explain their side nor speak negatively about you in the public,”


"It's not that we don't want to talk to you, but the few times that we do to resolve the issues, you communicate by shouting, cursing, and using hurtful words that traumatize us," 


"Is public sympathy really more important to you than your own children? Your words have the power to destroy your children papa,"  


Nag-ugat ang lahat ng ito noong nagpost si Dennis ng mga larawan ng kanyang mga anak sa kanyang IG account na namimiss niya na sila at tila nakalimutan ng tatlo batiin siya nitong nakaraang Father's Day celebration. 


Iginiit ni Leon na maging siya ay kinaiinggitan niya ang iba na hindi na kailangan pang pag-isipan pa ang pagbati ng kanilang mga ama na "Happy Father's Day,"



"Sorry if I wasn't able to greet you a 'Happy Father's Day'. It's always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with your every year,"


“For the past 10 years, we have been trying so hard to slowly rebuild the bridge you continuously burn every time you talk about our private matters in your presscons, interviews and social media. Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public?” 


Naghiwalay sina Marjorie at Dennis taong 2007 dahil rin sa mga isyung magpasahanggang ngayon ay tila hindi parin nabigyan ng tuldok at katahimikan ang kanilang mga pamilya alo na ang kanilang mga anak. 


***

Source: Dennis Padilla

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!