Kilalanin ang babaeng nagpapatibok ngayon sa puso ng aktor na si Dennis Padilla - The Daily Sentry


Kilalanin ang babaeng nagpapatibok ngayon sa puso ng aktor na si Dennis Padilla



Natagpuan ng aktor comedian na si Dennis Padilla, 60, ang kanyang true love sa piling ng Filipino-Australian partner na si Linda Gorton, 37.
Dennis Padilla and Linda Gorton / Photo credit: PEP

Labing apat na taon na ang kanilang relasyon.

Sa isang article ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong 2020, ikinuwento ni Dennis kung papaano sila nagkakilala ni Linda noong 2008.

"I had a dinner with a friend. And then this friend had another friend na in-invite. Ito na nga si Linda.

"We met through a common friend. E, di okay naman kami.
Dennis Padilla and Linda Gorton / Photo credit to the owner
Dennis Padilla and Linda Gorton / Photo credit to the owner

"Nagbabakasyon siya dito from Australia. Niligawan ko habang nagbabakasyon siya rito."

Noong panahong iyon, 46 years old si Dennis at 23 years old naman si Linda.

Nahulog kaagad ang loob ng dalawa sa isa’t isa. Ngunit dahil sa ibang bansa nakatira si Linda at nag-aaral pa siya, kailangan niyang bumalik sa Australia.
Dennis Padilla and Linda Gorton / Photo credit to the owner
 Linda Gorton / Photo credit to the owner

Ani Dennis, "So sabi niya, 'Papaano ito? Matatapos itong relationship natin dahil babalik na ako sa Australia.'

"Sabi ko, 'No, December, before Christmas, I'll visit you and stay there until my birthday in February.'

"So siyempre, nag-save muna ako ng baon ko, ng pamasahe... So, nagtuloy ang relationship namin."

December 2008 nang magtungo si Dennis sa Australia.

Aniya, "I stayed there for three months. I left February rin, and then nag-work na muna ako."
Dennis Padilla and Linda Gorton / Photo credit to the owner
Linda Gorton / Photo credit to the owner

Mula noon ay hindi na raw pinakawalan pa ni Dennis si Linda.

Pag-uwi niya ng Pilipinas noong February 2009, nagtrabaho raw muna si Dennis ng isang buwan.

Pagkatapos ay bumalik agad ang aktor sa Australia mula March hanggang July 2009.

Doon na raw kinausap ni Dennis ng masinsinan si Linda tungkol sa totoong pupuntahan ng kanilang relasyon.

"Then July 2009, I convinced her to go back with me. Sabi ko, 'If we will be together, it's better na dito na sa Pilipinas.'
Dennis Padilla and Linda Gorton / Photo credit to the owner
Dennis Padilla and Linda Gorton / Photo credit to the owner

"Sabi ko, 'Number one, I have a stable job in the Philippines. Number two, I'll be earning more.'

"Kasi kung regular jobs sa Australia, pwede na rin pero di siya ganun kalaki. So, nag-decide na rin siya to join me here.

"The rest is history."

Kwento ni Dennis, hindi naman raw naging hadlang ang 23-year age gap nila ni Linda sa kanilang pagmamahalan.

Ang pagbibigayan nila sa isa’t isa ang nagpatibay sa kanilang relasyon.
Linda Gorton / Photo credit to the owner
Dennis Padilla and Linda Gorton / Photo credit to the owner

Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nilang dalawa, hindi raw siya iniwan ni Linda.

Lahad ni Dennis: "On her part, it would be a lot of patience.

"Alam mo naman ang buhay ng artista, up and down financially and career-wise.

"Number two, up and down din ang temper ko. Kasi pag pagod, siyempre iba yung pressure sa trabaho ko. Minsan mainit ang ulo mo.

"Kailangan niya ng mahabang patience. And on my part, I'lI have to control my emotions a lot of times kasi I'm getting older na rin."

Sa tagal ng kanilang pagsasama, hangad ni Dennis na wala nang makakabuwag pa sa kanila ni Linda.
Dennis Padilla and Linda Gorton / Photo credit to the owner
Dennis Padilla, Linda Gorton and their children / Photo credit to the owner

Umaasa siyang si Linda na ang kanyang true and lasting love.

"Yes, I hope eto na nga yun," napangiting sabi ni Dennis.

Dagdag niya, "Kasi 58 na ako. Parang nasa last card na ako ng buhay ko."

Biniyayaan sina Dennis at Linda ng dalawang. Ang kanilang panganay na si Gavin ay 10 years old at ang bunso nilang si Maddie ay 6 years old.
Dennis Padilla, Linda Gorton and their children / Photo credit to the owner
Dennis Padilla, Linda Gorton and their children / Photo credit to the owner

Mayroon namang 15-year-old daughter si Linda na si AC. Itinuturing na rin itong anak ni Dennis.

Talaga namang proud father si Dennis sa pito niyang anak.

Aniya, “I have seven children with three mothers."

Dalawa ang anak ni Dennis sa unang asawa niyang si Monina Gatus—sina Dianne, 32, at Luis, 31.

Mayroong tatlong anak ang aktor sa ex-wife niyang si Marjorie Barretto—sina Julia, 25, Claudia, 23, at Leon, 19.


***
Source: PEP