Dennis Padilla umaming nagkasala at gustong makapiling ang mga anak nila ni Marjorie - The Daily Sentry


Dennis Padilla umaming nagkasala at gustong makapiling ang mga anak nila ni Marjorie




Sa pamilya, normal na ang minsanang hindi pagkakaintindihan, bangayan at tampuhan ang mahalaga hindi nawawala ang respeto at nananaig parin ang pagmamahalan sa bawat isa. 


Ngunit hindi lahat ng pamilya nabiyayaan ng maayos at magandang pagsasama, may mga pagkakataong kahit anong pilit buohin ng dating masaya at puno ng pagmamahalan na pagsasama ay hirap at malabo ng maibalik.  


Katulad nalang ng naging sitwasyon ng relasyon ng beteranong komedyante na si Dennis Padilla at sa mga anak nito sa dating asawa na si Marjorie Baretto.



Naging mahirap sa kanila na dating isang buong pamilya ang ngayong pinagdadaanan na hindi pagkakasundo at tanging hangad lang marahil ay magkaayos. 



Naglabas ng isang sulat si Dennis sa kanyang Instagram account kung saan doon inilahad niya na isang malaking karangalan para sa kanya ang pagiging Ama niya kina Julia, Claudia, at Leon Baretto. 


"It allowed me to touch the grace of God even for a moment and to see my love made flesh,"  


Aniya nakakagawa man siya ng mga kasalanan sa mga anak, ngunit lahat ay kanya ng pinagsisisihan. Maraming rin mang mga pagkakataong wala siya sa tabi ng mga anak na ngayo'y usap-usapan ang hindi maayos nilang relasyon ay nananatili parin sila sa kanyang puso.  


"Sometimes in life there are things that we will never understand why it happened,"


Nagsisisi din daw siya sa mga panahong pinalagpas lang niya at  ngayo'y tanging hiling nalang niya'y makapiling ulit ang mga anak.  


"In the end, I regret all the moments I let slip by. I regret all the things I hid my feelings from you. If I could have but one wish I would love to spend sometime with you. After all there is not much more to life than that,"


Headline ng balita ang naging pahayag ng kanyang anak na si Leon laban sa kanya matapos ipost ni Dennis sa kanyang Instagram ang mga larawan ng mga anak at pinaalalahanan ang hindi nila pagbati ng kanya noong Father's Day.


 "Sorry if I wasn't able to greet you a 'Happy Father's Day'. It's always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with your every year," 


"Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? I want peace, papa. Can you please stop resorting to public shaming when things don’t go your way?” 


Matatandaang inihayag din ng kanyang anak na si Julia Baretto ang di umanoy nakakatraumang karanasan sa naging relasyon nito noon sa kanyang ama. 





“Before, when we would speak on the phone, you wouldn’t have the best tone and the best choice of words and that scarred, traumatized and scared me,” sabi ng aktres.


“I was fighting so hard for our relationship despite all the words thrown at me by my own dad,”


***

Source:  Dennis Padilla IG

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!