Isang empleyado ang nagpasa ng resignation letter ang kinaaliwan sa social media - The Daily Sentry


Isang empleyado ang nagpasa ng resignation letter ang kinaaliwan sa social media



 

Larawan mula kay Rowell De Dios

Tila nga naman kinaaliwan sa social media ang post ng isang netizen na si Rowell De Dios dahil sa kuwela nitong resignation letter na ipinasa niya sa kanyang amo.


Ibinahagi ng netizen na si Rowell sa kanyang Facebook account ang isang resignation letter kung saan nakapaloob ang kanyang nais iparating sa kanyang boss.

Ayon kasi sa kanyang maiksing sulat na resignation letter, mag-aasawa na umano siya dahil huli na siya sa kanyang mga kabatchmate kung kaya naman kailangan na nitong magbitiw sa trabaho.

Larawan mula kay Rowell De Dios

Larawan mula kay Rowell De Dios

"Mag-aasawa na huli na ako sa mga kabatchmate ko." ayon kay Rowell


Madami ang naaliw sa deretsahang sulat ni Rowell sa kanyang boss at madami rin ang nakarelate dito dahil umabot na ito sa 6,000 shares, 1,200 na komento at 3,500 na ibat-ibang reaksyon mula sa mga netizens.


Sa parehong paksa ay ibinahagi rin ng isang netizen na si Aian Tiong Arroz sa social media ang kanyang resignation letter kung saan nakapaloob ang kanyang mga hinanakit sa kompanyang kanyang pinagta-trabahuhan.


Madami rin ang naka-relate at di naka-get over sa ginawang sulat ni Aian.

Larawan mula kay Aian Tiong Arroz

Larawan mula kay Aian Tiong Arroz

Ayon kay Aian, na-eenjoy naman daw nito ang kanyang trabaho sa kompanya ngunit onti-onti daw nagiging toxic ito hanggang sa hindi na nito kinaya.


"I have enjoyed my time naman here kaso, toxic na kayo." ayon sa sulat nito


Banat ni Aian, ang kanyang mga overtime daw ay walang bayad at hindi din pinalagpas ang comfort room na walang bidet.


Inireklamo din niya ang mahal na paninda sa canteen ng kompanya at masusungit na mga tindera.


"50 pesos lang budget ko sa lunch, 85pesos yung pinakamurang meal, pangit pa nung ugali ng tindera." ayon kay Aian


Idinamay pa ni Aian ang katrabahong mahilig sa isyu at walang ginawa kundi magtsismisan.


"Language barrier, walang bayad yung overtime, masungit yung utility at walang bidet ang CR! Issuemera pa yung karamihan sa mga employee" reklamo ni Aian


Kung kaya naman kinaaliwan ito ng ilang netizen at may nagsabi pang isi-save nila ang kakaibang resignation ni Aian para gayahin ang format kung sakaling magbibitiw ang mga ito.


Basahin ang buong post sa ibaba:


"I'm writing this today to notify you that I will be resigning effective immediately. I Have enjoyed my time naman here kaso, toxic na kayo. Language barrier, walang bayad yung overtime, masungit yung utility at walang bidet ang CR! nakaka-stress! Issuemera pa yung karamihan sa mga employee! Makita ka lang may snagsusundo sayo, sasabihin nila na may sugar daddy ka. Mahal pa ng tinda sa cafeteria! 50pessos lang budget ko sa lunch, 85 pesos yung pinaka-murang meal, pangit pa nung ugali ng tindera! Hindi naman pantay yung kilay niya! Bahala na kayo jan!"

Larawan mula kay Aian Tiong Arroz


***

Source:  Rowell De Dios