Ruffa, sa araw-araw daw niyang pag-iyak nang magkita si Yilmaz at mga anak: "It’s always a beautiful and touching moment when families reunite" - The Daily Sentry


Ruffa, sa araw-araw daw niyang pag-iyak nang magkita si Yilmaz at mga anak: "It’s always a beautiful and touching moment when families reunite"








Kamakailan ay umariba na naman si Annabelle Rama at ibinuking ang anak na si Ruffa Gutierrez na napapadalas daw ang iyak ng huli, ito ay habang nasa Istanbul, Turkey ang dalawang anak ng aktres para bisitahing ang kanilang ama na hindi nila nakita at nakasama sa loob ng 15 taon. 
 
Nag-ugat ang pang-aasar ni Annabelle nang mapaluha si Ruffa habang nasa segment na “Showtime Sexy Babe” noong ikalawang linggo ng June kung saan kailangan magbigay ng komento ni Annabelle sa contestant.

 
Naging personal ang komento ni Annabelle sa nasabing contestant dahil lumaki raw itong hindi nakilala ang ama, kaya naman ay naka-relate si Annabelle at maging si Ruffa.
 
“Yung tungkol sa tatay mo na nawala, hindi mo na siya nakita, magaling ka naman kumanta. Pagpatuloy mo yung singing career mo baka sumikat ka. Baka ang taray mo ang tatawag sa yo o magpapakita sa ‘yo tulad ng mga apo ko… 15 years di nakita ang tatay nila, ngayon nagkita-kita na sila.
 



“Baka swertehin ka… Galingan mo para gumanda ang career mo, sumikat ka, mami-meet mo rin ang tatay mo,”
saad ni Annabelle bilang payo sa nasabing contestant *
 
Dahil dito ay napaluha si Ruffa, bagay na hindi naman nakaligtas sa host na si Vice Ganda.
 
“Ano ba yang to si Mommy, nakakaiyak yung comment mo, parang ako ‘yung natamaan,” ang nasabi ni Ruffa sa ina
 
“Ruffa sa totoo lang, everyday ka nang umiiyak. Tama na yan,” sagot naman ni Annabelle sa anak
 
Paliwanag naman ni Ruffa pati na ng kapatid niyang si Raymond na kasama rin nila sa show, ang pag iyak ni Ruffa ay tears of joy dahil makalipas ang ilang taon ay muling nagkita sina Lorin at Venice at amang businessman na si Yilmaz Bektas.
 
At nitong July 4 lang ay binahagi ni Ruffa sa kanyang Facebook account ang isang article tungkol sa kanyang pag-iyak noong nasa Istanbul ang mga anak, at sinabi niyang talaga namang nakakaantig na eksena ang muling pagsasama-sama ng pamilya.

 
“It’s always a beautiful and touching moment when families reunite.” Ayon sa caption ng aktres
 
Matapos ang 12 araw na bakasyon sa Turkey ay nakabalik na ang dalawang anak nina Ruffa at Yilmaz noong June 23.
 
Matatandaang 2007 nang maghiwalay si Ruffa sa asawa nitong Turkish businessman na si Yilmaz at taong 2012 naman nang ma-grant ang kanilang annulment.
 
Kaya naman, 15 taon na ang nakakalipas nang nawalay sina Lorin at Venice sa kanilang amang si Yilmaz.