Skusta Clee, humingi ng tawad at may pakiusap sa publiko tungkol kay Zeinab: "wag nyo na siyang i-stress-in" - The Daily Sentry


Skusta Clee, humingi ng tawad at may pakiusap sa publiko tungkol kay Zeinab: "wag nyo na siyang i-stress-in"






Nitong mga nakaraang buwan ay laging laman ng balita sa social media ang dating magkasintahan na si Zeinab Harake at Skusta Clee.

 

At nitong huli lang ay humingi ng tawad si Skusta sa publiko at inamin na mali ang kanyang nagawa sa ina ng kanyang anak at vlogger na si Zeinab.

 

Matatandaan na ibinunyag ni Zeinab ang ginawang muling panloloko sa kanya ng dating partner.


 

Naging sunod-sunod din ang batikos na natanggap ni Skusta mula sa mga netizens kaya naman humingi na ito ng sorry sa lahat ng naapektuhan at nasaktan sa kanyang mga nagawa.

 

Maliban sap ag hingi ng tawad ay sinabi din ng rapper na mas okay na ngayon dahil nakikita niyang masaya na si Zeinab.

“Okay, sa mga na-disappoint, sorry, sorry. My bad, sorry, akin. Nagkamali ako, sorry. Pinagsisihan ko naman ‘yon, mukha lang talagang hindi kasi kailangan kong mag-move on na din sa buhay.





 

“Sa nanay ng anak ko, siyempre sa anak ko. Lalo sa nanay ng anak ko, nakikita ko na okay na siya ngayon, which is good, mas okay ‘yun. Mas masaya pag mas masaya siya. Mas importante ‘yun. Ako all goods lang ako. Tuloy lang sa buhay,” ayon sa panimulang pahayag ni Skusta *

 

“Though pinagsisihan ko ‘yung mga naging consequence, pangit din naman talaga ‘yung naging resulta. Tinanggap ko ‘yung mga siyempre naging kapalit.

 

“Hindi talaga maganda at hindi ako nagreklamo kasi alam kong ayun naman talaga yung dapat mangyari sakin,” ayon pa sa rapper

 

Kasunod nito ay nilinaw din ng miyembro ng grupong Ex Battalion na may mga rason daw siya kung bakit niya nagawa ang mga bagay na yun, kabilang na ang “cheating” issue na sinasabi ni Zeinab.





 

“Pero may personal akong dahilan kung bakit ko nagawa ‘yun. Kaya bilang respeto na lang din sa nanay ng anak ko, hindi ko na kailangan pang i-explain. Kumbaga respeto na lang din.”

 

“Hindi niya talaga deserve na ganunin at ako pinagsisihan ko naman yun. Pero may personal akong dahilan kung bakit ko ginawa ‘yun,” paliwanag ni Skusta*

 

Pakiusap din niya sa mga supporters nila ng sikat na vlogger at sa mga bashers na ‘wag na sanang ibalik pa ang issue tungkol sa kanila ng ex.

 

Hinimok din ng Skusta ang mga tao na mag move on sa mga nangyari.



“Huwag n’yo na siyang stress-in, na ime-mention pa ‘yung about sa amin kasi nai-stress lang din ‘yung isa. 

 

“Huwag na. Move on na tayo guys. Move on na tayo sa bagong kabanata ng buhay natin,” aniya pa.

 

Sinabi din ni Skusta na hindi man siya naging mabuting partner kay Zeinab dahil sa mga nagawa niya ay maaari naman siyang maging isang mabuting ama kung siya ay mabibigyan ng pagkakataon.





 

Matapos ang hiwalang Zeinab at Skusta ay napabalitang isang Aira Lipata umano ang bagong jowa ng huli at ito rin daw ang naging dahilan ng hiwalayan ng dalawa.