Ang biglang sikat na construction worker sa Davao de Oro na ka-lookalike ni Jericho Rosales, kilalanin! - The Daily Sentry


Ang biglang sikat na construction worker sa Davao de Oro na ka-lookalike ni Jericho Rosales, kilalanin!



Tila isang tadhana na bawat isa sa'tin ay sadyang mayroong kamukha kahit na hindi natin ito kadugo o kalahi. Swerte nga namang maituturing kung ang naging kamukha mo ay isang artistang sikat at iniidolo.

Tulad na lang ng tinaguriang Jericho Rosales ng Monkayo, Davao de Oro na si Junrey Baug.




Hindi mapigilan ngayon ang pagsikat ni Junrey mula ng kumalat ang kanyang larawan at marami ang nakapansin ng pagkakahawig nito kay Echo.

Ang litrato nito, kuha sa isang peryahan sa Monkayo, Davao de Oro. Sa hilatsa ng mukha nito mula buhok hanggang baba ay maaari mo na daw mapagkamalang kakambal ng sikat na aktor.

""Pag nakaporma sir, kamukha ko raw si Jericho. apag pinapanood ko kasi si Jericho, para lang akong nananalamin!" Ani Junrey.

Junrey Baug | Facebook

Junrey Baug | Facebook


Upang makatulong sa pamilya, nagsasaka at umeekstra bilang construction worker si Junrey. Gaya ng kanyang kamukhang si Jericho, maaga rin itong namulat sa pagbabanat ng buto.

Alas-3 pa lang ng umaga ay bumabangon na ito. Sa loob ng 1-2 oras na pagsasaka ay mahigit 200 puno daw ang kinakatasan nito upang makuha ang katas ng rubber tree na siyang ginagamit upang gawing goma.

Junrey Baug | Facebook

Junrey Baug | Facebook


Ngunit nagbago ang lahat ng ito mula nang sumikat si Junrey. Pinagkakaguluhan at marami ang nais na makapagpa-picture sa kanya.

Kaliwa't kanan na rin ang alok dito ng mga negosyante upang mag endorso ng kanilang produkto.

Ayon sa mga magulang niya, talagang sobrang pinaglihi raw si Junrey kay Jericho. Na kahit daw 'brownout ay nakatitig ang ina nito sa isang notebook na ang cover ay ang mukha ni Echo.

Junrey Baug | Facebook

Junrey Baug | Facebook