Bajao Girl Rita Gaviola napaluha sa "Bawal Judgemental" dahil sa masasakit na salitang binabato sa kanya: “Inuna pa ang kalandian,” “sinayang mo lang ang career mo" - The Daily Sentry


Bajao Girl Rita Gaviola napaluha sa "Bawal Judgemental" dahil sa masasakit na salitang binabato sa kanya: “Inuna pa ang kalandian,” “sinayang mo lang ang career mo"




 


Maraming masasakit na salita ang natanggap ni Rita Gaviola na unang  nakilala bilang si Badjao Girl mula nang aminin niya sa publiko na siya ay isa nang ina.


“Inuna pa ang kalandian,” “sinayang mo lang ang career mo" ay ilan lang sa mga salitang ibinato sa kanya ng mga taong humusga sa kanya.


Halos mapaluha si Rita habang kinukuwento niya ang tugnkol sa kanyang mga bashers nang siya ay lumabas sa “Bawal Judgmental” na segment ng “Eat Bulaga”.


Sa nasabing segment ay naglabas ng kanyang saloobin si Badjao Girl hingil sa mga taong nanlalait sa kanya sa social media.


Noong Agosto 8 ay umamin si Rita sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na isa na nga siyang ina. Buong pagmamalaki niyang binahagi ang larawan ng kanyang baby at partner.




Sa solong larawan ng baby ay may caption si Rita na, “Sabihan ninyo lang ako masasakit na salita kahit laitin niyo ako okay lang sa akin basta wag ninyo lang idamay ang anak ko tatanggapin ko lahat ng masasakit ‘wag lang anak ko pero isa lang masasabi ko na proud ako kasi hindi ko pinalaglag ang baby dahil lang sa kasikatan."*


Kasunod nito ay ang mga masasakit na salitang binabato sa kanya ng mga tao na tila ba malaking pagkakamali ang nagawa ng dating PBB  housemate.


Kaya sa episode ng "Eat Bulaga" nitong Agosto 12 nang tanungin siya sa "Bawal Judgemental" tungkol sa kanyang pinagdadaanan matapos niyang umamin sa publiko.


Tinanong siya ni Maja Salvador kung paano niya hina-handle ang pambabagsak at panghaharas sa kanya ng mga bashers.


“Marami silang sinasabi about ‘b0bo,’ ganyan, ‘sinayang mo ‘yung career mo’, ‘inuna mo pa ‘yung kalandian mo kaya nagkaanak ka agad.’


“Siyempre para sa part ko sobrang sakit kasi hindi nila alam ‘yung dinaranas ko. Parang ang dali sa kanila manghusga ng tao na hindi nila kilala,” sagot ni Rita


“Masakit kasi dumarating ‘yung time na maisisip mo na sana ‘wag maranasan ng anak ko ‘yung nararanasan ko ngayon kasi sobrang hirap.” Dagdag pa niya


Nakiusap din si Badjao Girl sa publiko na sana ay wag nang idamay ang kanyang baby sa pang-aalipusta dahil wala naman itong kasalanan.


“Sabi ko, ako na lang, wag na lang ‘yung anak ko. Kahit i-bash n’yo na ako nang i-bash, okay lang, tatanggapin ko. ‘Yung baby ko, ‘wag na lang kasi ‘yung baby ko walang kasalanan,” pakiusap niya sa mga negang netizens