Bakit biglaang namaalam ang Original na Badboy na si Ace Vergel? ito ang totoong nangyari.. - The Daily Sentry


Bakit biglaang namaalam ang Original na Badboy na si Ace Vergel? ito ang totoong nangyari..



 

Larawan mula sa peoplepill

Si Ace York Ceasar Asturias Aguilar o kilala sa pangalang Ace Vergel ay ipinanganak noong November 20, 1954. Ang kanyang mga magulang ay mga batikan rin sa larangan ng pelikula na sina Cesar Ramirez at Alicia Vergel.


At sa mga hindi nakakaalam ay kapatid din ng ating bida ang beteranang actres na si Beverly Vergel.


Si Ace Vergel ang tinaguriang original na bad boy ng pelikulang pilipino dahil sa kanyang natural na angas sa kanyang mga eksena sa harap ng kamera.

Larawan mula sa alchetron

Larawan mula sa alchetron

Dahil may kaya ang kanyang mga magulang ay napagtapos nila si Ace Vergel sa pag-aaral na kumuha naman ng kursong business management and public relation sa paaralan ng Ateneo De Manila.


Ngunit kahit natapos nito ang kanyang kurso sa kolehiyo ay tila nasa dugo talaga niya ang pag-arte sa harap ng kamera kung kaya naman mas pinili nitong mag-artista.


Naging maswerte ang kanyang naging karera sa mundo ng showbiz dahil tila nga nagustuhan ng mga manunuod kanyang kakaibang imahe bilang isang badboy na bida.

Larawan mula sa alchetron

Larawan mula sa alchetron

Naging sunod-sunod ang kanyang mga nagawang pelikula at minsan pa itong naparangalan ng best actor sa kanyang ginawang pelikula na 'Anak ng Cabron'.


Ikinasal si Ace Vergel sa kanyang asawang si Maya Dela Cuesta at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki na si Alejandro King Aguilar.


Subalit hindi naman nagtagal ang pagsasama ng mag-asawa at naghiwalay din ito dahil sa ilang hindi pagkakasundo.


Matatandaan na naranasan din na humimas ng rehas ang ating bida dahil sa kasong pananamantala sa karapan ng mga kababaihan at minsan din siyang nasangkot sa ipinagbabawal na gamot na kalaunan ay napawalang bisa rin.


Ang kanyang pinaka-huling ginawang pulikula ay nakasama nito ang ilang batikang aksyon star na sina Eddie Garcia, Victor Neri at Mikey Arroyo.


Noong taong Disyembre 15, 2007 ay nagulantang ang kanyang mga taga-hanga ng biglaang bawian ito ng buhay sa edad na 53 matapos siyang atakihin sa puso.

Larawan mula sa alchetron

Larawan mula sa alchetron

Madami ang nagulat sa nangyaring ito sa aktor, kabilang ang kanyang mga kaibigan, kapag-anak at kanyang mga taga hanga.


Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino. 


***