Buntis daw? Mga mapanuring netizens may napansin sa larawan ni Julia Montes: 'She is always covering the obvious' - The Daily Sentry


Buntis daw? Mga mapanuring netizens may napansin sa larawan ni Julia Montes: 'She is always covering the obvious'







Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang isyung buntis si Julia Montes sa ikalawang anak umano nila ni Coco Martin.
 
Base sa mga komento ng mga mapanuring marites sa mga bagong larawan ni Julia kasama ang “Ang Probinsyano” casts ay tila may baby bump daw na pilit tinatago ng aktres.

 
Dahil nagtapos na ang FPJ's Ang Probinsyano ay nagkaroon ng thanksgiving party nitong Agosto 14 kung saan ay nandon din si Julia pati na si Sharon Cuneta
 
Gumanap na  mag-ina sina Julia at Sharon sa katatapos na long-running prime-time series ng Kapamilya, na napanood din ng pitong taon.
 
At nitong Miyerkules ay nagpost naman si Sharon ng mga larawan mula sa nasabing party.


Larawan mula sa post ni Sharon Cuneta


 
Sey ng mga netizens, kapansin-pansin daw ang parang pagtakip ni Julia ng kanyang kaliwang kamay sa bahagi ng kanyang tiyan. Maliban dito ay makikita din na naka all-black na outfit ang aktres para hindi gaanong mahalata ang kanyang katawan.
 
“Looks like preggy si Julia, happy for her”
 
“She is always covering the obvious”
sey ng ilan




 
Mayroon ding nagkomento na kaya daw biglang nawala si Julia sa Ang Probinsyano dahil sa buntis pala ito.*
 
“She’s pregnant kya po bigla nawala sa Probinsyano” ayon naman sa isang netizen
 
Samantala, lumabas din ang balitang tila may suot na engagement ring si Julia sa isang larawan na sobrang saya niya habang yakap si Mega.


Larawan mula sa Instagram ni Julia


 
Kaya duda ng mga netizens ay baka engagement ring nila ito ni Coco.
 
Hindi ito ang unang beses na napansin ng mga tao na may suot na diamond ring si Julia, dahil noong June 2022 ay naging usap-usapan din ng mga followers ni Julia ang suot niyang singsing.
 
Samantala, matagal nang chismis ang relasyon ni Coco at Julia ngunit hindi deretsang umaamin ang dalawa kahit pa madalas daw silang nakikitang magkasama bago pa man nagka trabaho sa FPJ's Ang Probinsyano.
 
Ayon pa sa mga ulat ay inamin daw ni Julia sa Mega Magazine noong July 2021 na mayroon siyang karelasyon na nasa showbiz industry din.

 
Noong 2019 naman ay inulat ng PEP na nabuntis at nanganak si Julia, ang unang anak daw nila ni Coco.