RR Enriquez may komento sa transformation ni Jane bilang Darna; inihambing kina Angel at Marian - The Daily Sentry


RR Enriquez may komento sa transformation ni Jane bilang Darna; inihambing kina Angel at Marian



Mabilis na nag-trending ang transformation ni Jane De Leon bilang Darna sa Friday episode ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series.” Maraming positive reviews at comments ang natanggap nito sa mga manonood.
RR Enriquez and Jane De Leon as Darna / Photo credit to the owner

Isa naman sa inaabangan ng mga netizens na komento ay galing sa “Queen of SawsaweRRa” na si RR Enriquez.

Kamakailan kasi ay sinabi ni RR na para sa kaniya ay walang dating si Jane na gumanap bilang Darna.

Matapos ang trending na episode ng Darna ay dinumog ng mga netizens ang Instagram post ng dating host ng “Wowowee” upang tanungin ang kanyang reaksyon.

Nitong Agosto 20 ay hindi naman binigo ni RR ang mga nag-aabang sa kaniyang ‘pagsawsaw’.
RR Enriquez  /  Photo credit to the owner
RR Enriquez and Jane De Leon /  Photo credit to the owner

“Agang sawsaw. Kagabi ko pa ito kinompose kaso nakatulog ako kakaisip ng isusulat,” panimula ni RR.

“Gravity yung effect ng comment ko as a SawsaweRRa Queen kay Darna. Dami nag-aabang ng comment ko.”

“Yung iba talagang mahina lang ang IQ na akala mo once you gave your opinion or comments akala nila hater ka na. But anyways since some of you wants me to sawsaw kahit busy ako sa vacation gogogo.”
Jane De Leon /  Photo credit to the owner
Jane De Leon /  Photo credit to the owner

“Infairness sexy po siya, pinanood ko din yung video pero mga clips pa lang. Sexy po ng dating niya but I still didn’t see the sex appeal,” ani RR.

Sa kabilang banda, nagbigay siya ng compliment para kay Jane at inihambing pa sa dalawang naunang Darna na sina Angel Locsin at Marian Rivera. 

Aniya, ibang bersyon ng Darna raw ang ipinakita ngayon ng ABS-CBN.

“I think what I will say next is still a compliment.”
Angel Locsin as Darna / Photo credit to the owner
Marian Rivera as Darna / Photo credit to the owner

“Hindi siya yung tipo na pag nanasaan mo dahil napaka-inosente ng dating niya. Hindi katulad ng dating nila Angel and Marian na pagnanasaan mo agad. Yung makakaubos ka ng madaming tissue CHAROT.”

Ayon kay RR, na-gets na raw niya ngayon kung bakit sumugal ang Kapamilya Network sa pagpili kay Jane bilang bagong Darna.

“Parang gets ko na why she was chosen as Darna.”
Gal Gadot as Wonderwoman / Photo credit to the owner
Gal Gadot as Wonderwoman / Photo credit to the owner

“Parang si Wonderwoman! Gal Gadot peg lang. I saw Gal Gadot (Wonder woman in her) Hindi din siya pa-super sexy di ba? So that’s what I saw with Jane… pinatunayan niya na hindi kailangan maging super pasexy to prove that you’re sexy Darna na pinagpapantasyahan because of your body.”

“Siguro nasanay kasi ako na kapag Darna pina-fantasize agad (marami kasing maniac sa Pinas isa na ako doon) CHAROT. But sa character na nakita ko parang nagets ko na they wanted to show us na hindi lang pang sexy fantasize si new Darna. You can love her and focused on her other characteristics… A strong define classy young woman DARNA…”

“One thing I noticed also pina-package sya as Darna pero hindi pang FHM or Maxim or Playboy where people can fantasize you.. Pansinin n’yo inilabas agad Metro Mag because her beauty is not for any sexy magazine… Pang high-class packaging. Maganda po ang packaging niya so gets ko na po si ABS-CBN.”
Jane De Leon as Darna /  Photo credit to the owner
Jane De Leon as Darna /  Photo credit to the owner

“So ayun po good congrats Jane you nailed it,” papuri ni RR.

May mensahe naman si RR sa mga mabilis na humusga sa kaniya, lalo na sa pagbibigay niya ng kritisismo.

Nagbigay naman ng mensahe si RR sa mga taong mabilis na nanghusga sa kaniya.

“Yung mga low IQ and mahina ang reading comprehension at hindi marunong umintindi ng honest opinion, constructive criticism sa bashing and hating lang, please mag aral kayo mabuti. Sayang ang tuition fee CHAROT..”

“PS. Again my sawsaw is not to bash people and not to sugarcoat. I want to give my honest opinion and to #SawsawWithAHeart so bare with me.”


***