Rene Requiestas, ano ang tunay na nangyari at bakit sa edad na 36 ay nagpaalam na ito - The Daily Sentry


Rene Requiestas, ano ang tunay na nangyari at bakit sa edad na 36 ay nagpaalam na ito



 

Larawan mula sa mydramalist

Si Renato L. Requiestas o mas kilala sa pangalang Rene Requiestas ay ipinanganak noong January 22, 1957 sa Tondo Manila at hindi maikakailang nagmula siya sa isang maralitang pamumuhay.


Ayon sa kanyang kwento, sa murang edad pa lamang ay nasubukan na nitong magtinda ng sigarilyo sa kalye ng Tondo.


Ayon pa dito, pagkagaling sa eskwelahan ay umeekstra din siya sa junkshop para mas kumita at may maibigay sa kanyang mga magulang.

Larawan mula sa famousfix

Larawan mula sa famousfix

Dahil kapos at sobrang hirap ng kanilang buhay noon ay madalas lugaw lamang ang kanilang pinantatawid gutom sa pang araw-araw.


Dahil sa hirap ng kanilang buhay ay nagpasya ang kaniyang mga magulang na ipakupkop silang magkakapatid sa kanilang kamag-anak.


Halos araw-araw umano ay tumutulo ang luha ni Rene at nagdarasal ito na sana ay balang araw mabuo na ulit ang kanilang pamilya.


Kahit na ganito ang buhay na mayroon si Rene ay hindi siya pinanghinaan ng loob at isang araw ay naisipan nitong mag-apply sa isang teatro kung saan nagtatrabaho ang kanyang kaibigan.


Dito ay hindi umayon kay Rene ang tadhana at dahil sa kanyang itsura ay hindi siya natanggap.

Larawan mula sa Net Worth Post

Larawan mula sa Net Worth Post

Si Rene ay hindi kaagad sumuko at sinubukan niya ulit mag-appy at sa pagkakataon na ito ay natanggap na siya ngunit hindi bilang aktor kundi bilang isang janitor.


Buong puso na tinanggap ni Rene ang ibinigay sa kanyang trabaho dahil alam niyang ito lang kanyang pag-asa para kumita ng pera para sa kanyang pamilya.


Isang araw ay hindi inaasahan ni Rene na mabibigyan siya ng role dahil hindi sumpipot ang isang aktor at kailangang makahanap kaagad ng kapalit nito.


Dito ay sinubukan nila ang talento ni Rene at dito na nga niya ipinakita ang kanyang itinatagong angkin galing sa pag-arte.


Hindi nito binigo ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya at dito nga siya ang nanalo bilang isang best aktor sa ginampanang role ng gabing iyon.


Dito na nga nag-umpisa ang kanyang karera sa mundo ng showbiz bilang isang komedyante at dahan-dahang nagbago ang takbo ng kanyang buhay.


Isang araw ay nabigyan siya ng break matapos nitong makilala ang kanyang idol na si Joey De Leon at kinuha siya bilang isang sidekick sa pelikulang "Starzan".

Larawan mula sa Net Worth Post

Larawan mula sa Net Worth Post

Gumanda ang kanyang karera sa pag-arte at nakabili siya ng magandang bahay at lupa para sa kanyang pamilya.


Naging tuloy-tuloy ang kanyang pag-angat sa buhay ngunit kasabay naman nito ang kanyang pagkahuling sa ibat-ibang bisyo at dahil dito ay unti-unting bumigay ang kanyang katawan.


Dahil mahina ang kanyang resistensya ay sa ksamaang palad ay noong taong July 24, 1993 ay nagpaalam na nga ang aktor sa edad na 36.

Larawan mula sa wowbatangas

Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.


***