Hangin mula sa hininga ni Billie Eilish, ibinebenta ng higit ₱600K sa masugid na mga tagahanga ng singer - The Daily Sentry


Hangin mula sa hininga ni Billie Eilish, ibinebenta ng higit ₱600K sa masugid na mga tagahanga ng singer



Larawan mula sa Balita




Pinagka-kitaan ng isang masugid na tagahanga ng American singer-songwriter na si Billie Eilish ang hangin na mula sa kanyang hininga.
 
Ang “very rare air” na nakasilid sa isag plastic at container ay naibenta ng isang netizen na may account name na @rev1on na kanyang ipinost sa “Carousell” sa halagang SGD5,000 o katumbas ng ₱604,650.

 
“I stood at the very front and managed to get her air in the plastic when she screamed her lungs out during the concert! For those who missed the concert you can buy this!! Very rare air!!” pahayag sa deskripsyon ng post.




 
Sa post ni user @rev1on ay kalakip ang dalawang larawan ng “very rare air” na nakasilid sa isang sealed plastic bag, at ang isa naman ay nasa loob ng plastic container.




 
Sinigurado ng seller na hindi makakalabas ang hangin kaya naman nilagay niya ito sa isang “air tight container.”
 
Maraming mga tagahanga ang napa-react at umaasang ang susunod na ibebenta ay ang “odour” o “utot” naman ng sikat na singer.

 



Mayroon din namang nag-duda sa proseso kung paano nakuha ang hangin mula kay Billie.

 
“[M]y question is how did the person [managed] to catch just only her air ? Isn’t the air mixed with the audiences too?” tanong ng netizen na si Thornlessoul


Billie Eilish habang nagpeperform | Larawan mula sa Manila Standard


 
Kamakailan lang ay nasa Singapore at Thailand din si Billie para sa kanyang Happier Than Ever, The World Tour