Hidilyn Diaz, sinagot ng dalawang netizen magtapos magkomento na magtatanim na lang ng sibuyas - The Daily Sentry


Hidilyn Diaz, sinagot ng dalawang netizen magtapos magkomento na magtatanim na lang ng sibuyas



Kamakailan ay nag-trending ang Instagram post ng aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo patungkol sa pagtaas umano ng sibuyas.
Photo credit to the owner

Mula umano sa P40 per kilo, ngayon ay umabot na ng P550. Kaya sa halip na maiyak sa paghihiwa, mas maiiyak daw ang bibili sa lumobong presyo ng puting sibuyas.

“Sibuyas na puti!! Nakakaloka ka! Dati, kailangan ka munang hiwain bago maluha… ngayon, naiisip pa lang kita naiiyak na ako sa presyo mo!” saad sa caption ng kaniyang litrato na ibinahagi sa IG story.
Screengrab @officialjuday IG

Sa isa pang litrato, makikitang yakap-yakap ni Juday ang mga biniling puting sibuyas.

“Pero dahil kailangan kita, kaysa mas kailangan mo ko, ha-hug kita at nanamnamin kita bago kita iluto… importanteng namnamin ka dahil 550 ka per kilo! Kalerks!”
Screengrab @officialjuday IG

Hindi naman napigilan ng kauna-unahang Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz ang magkomento sa Instagram post ng talent manager na si Noel Ferrer.

Ibinahagi kasi ni Ferrer ang post ni Juday.

Caption niya, "#RealTalk #NagpapakatotoolLang homemaker @officialjuday feels the crunch… paano pa kaya ang ibang mga kababayan natin!!!?! #GodBlessPinas.”
Screengrab @iamnoelferrer IG

Sa comment section ay nagkomento naman si Hidilyn na inaanak sa kasal ni Juday.

Magtanim na ko ng sibuyas,” saad nito.
Screengrab @officialjuday IG

Dalawang netizen naman ang agad na nagkomento sa kaniya.

“Oo tanim ka rin ampalaya hahaha.”

“Magpraktis ka na lang oi di yung nakikisawsaw ka!”

Hindi naman ito pinatulan ng gold medalist.


***