Isa sa Tagapagmana ni Willie Revillame, naging usap-usapan dahil sa taglay nitong Kagandahan - The Daily Sentry


Isa sa Tagapagmana ni Willie Revillame, naging usap-usapan dahil sa taglay nitong Kagandahan



 

Larawan mula kay Marimonte Revillame

Si Willie Revillame o tinatawag ng kanyang mga taga-hanga sa pangalang 'Kuya Wil' ay kilala bilang isang sikat na Filipino comedian, businessman, host, singer, song writer at matagumpay na businessman.


Kahit mataas na ang narating ni Willie sa kanyang buhay ay hindi pa rin ito nakakalimot na magpasalamat sa panginoon at mag-abot ng tulong sa mga tao na kapos sa buhay.


Palaging binabanggit ni Willie sa kanyang programa na Wowowin na nagsimula rin umano siya sa mahirap na buhay simula noong bata pa siya, kung kaya naman ramdam din daw nito ang paghihirap ng ating mga kababayan na lumalapit sa kanya upang humingi ng tulong.

Larawan mula sa Philstar

Larawan mula sa Philstar

"Na-experience ko yung nakatira ako sa nanay ko na iba ang asawa. Nakatira ako sa tatay ko iba ang asawa. Babalik ako sa nanay ko iba ang asawa. Nabuhay ako ng halos ako mag-isa." kwento ni Willie.


“Di ko nakakalimutan ‘yung Bustamante street. Barker ng jeep. Meycauayan-Malinta. Pagkatapos naglilinis ako ng jeep. Naglilinis ako ng jeep ‘yung krudo. Alam mo ‘yung lagayan ng mga langis, may basahan ako. Bibili ka sa palengke, ku-kruduhan mo ‘yung jeep.” ayon pa kay Willie.


Dahil sa talento nito sa larangan ng showbiz ay unti-unti itong naging tanyag at dito na siya nagsimulang yumaman.


Madami rin ang kanyang naging karelasyon at isa sa mga nakilala sa showbiz na kanyang naging anak ay si Merylle Soriano sa kanya dating naging karelasyon na si Bec-Bec Soriano.

Larawan mula sa planetumeboshi

Larawan mula sa planetumeboshi

Ngunit ang hindi alam ng karamihan ay mayroon pa pala siyang isang napakagandang anak na babae na si Marimonte Shanelle Viduya Revillame.


Si Marimonte ay naging anak ni Willie sa dati nitong karelasyon na non-showbiz na si Sharon Viduya.


Makikita sa mga larawan ni Marimonte ang taglay nitong mala-artistahin looks ngunit tila hindi pa umano nito naiisipan na pasukin ang mundo ng showbiz.

Larawan mula kay Marimonte Revillame

Larawan mula kay Marimonte Revillame

Kahit hindi man madalas na makasama ni Marimonte ang kanyang ama ay hindi naman tinalikuran ni Willie ang kanyang obligasyon sa kaniyang anak.


Ayon kay Willie, siniguro na umano niya ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak lalo na ang mga bagay na kakailanganin nila sa kanilang future.


***