Tekla at dating ka-live in na si Michelle, nagkabalikan at buntis na muli ngayon - The Daily Sentry


Tekla at dating ka-live in na si Michelle, nagkabalikan at buntis na muli ngayon



Naging matinding usapin sa social media noon ang pag-aaway at paghihiwalay ni Super Tekla at kanyang ka-live in na si Michelle Banaag.
Super Tekla at Michelle Banaag / Photo credit to the owner

Humantong pa sa pagrereklamo sa barangay at paghingi ng tulong sa programang Raffy Tulfo In Action ang awayan ng dalawa.

Pero sa ngayon ay nagkabalikan na pala ang komedyante ang dating ka-live in.

Bukod sa pagbabalikan, buntis na raw muli si Michelle sa ikalawa nilang anak nila ni Tekla.

Pero may mga usap-usapan na patuloy pa rin umano sa pagsusugal ng komedyante ayon kina Nanay Cristy Fermin, Morly Alinio at Wendell Alvarez.
Super Tekla at Michelle Banaag / Photo credit to the owner
Super Tekla at Michelle Banaag / Photo credit to the owner

Sa kanilang talakayan sa “Showbiz Now Na”, marami na raw ang natabangan kay Tekla na kabaligtaran noong una na maraming tumutulong at naaawa dahil nga may sakit ang panganay nitong si Angelo.

“Nagdadalang-tao na naman ngayon si Michelle sa pangalawa (anak). Ang kuwento kasi marami ang natabangan kay Tekla. Bumalik na naman daw sa kanyang bisyo.

“Dalawang bisyo ‘yun, isang bisyo na itatapon natin dahil wala namang nagagawang maganda kahit sinong gumagamit. Ang ikalawa…(sabay baling kay Wendell),” pabiting sabi ni Nay Cristy.
Super Tekla at Michelle Banaag / Photo credit to the owner
Super Tekla at Michelle Banaag / Photo credit to the owner

Ang ikalawa ‘yung mga e-games,  bingo. Ibig sabihin bumalik na naman si Tekla ro’n? Minsan nandoon din siya sa casino,” sabi ni Wendell na madalas din sa nasabing lugar dahil personal assistant siya ng kaibigan niyang madalas maglibang.

Nakikita ko siya sa casino. Pag may pera malaki (taya) pero pag wala konti na lang taya niya,” dagdag ni Wendell.

“Lulong talaga siya?” tanong naman ni Morly.
Michelle Banaag / Photo credit to the owner
Super Tekla at Michelle Banaag / Photo credit to the owner

“Hindi niya maiwasan. Isinadula pa ang buhay niya sa Magpakailanman na ang tanging dahilan kung bakit siya pumasok sa showbiz ay para maiahon ang pamilya sa hirap,” sabi ni Nay Cristy.

“Yun naman talaga ang unang plano natin Ate Cristy kaya tayo nagpapakahirap (at) nagpapakapagod para iahon natin ang ating pamilya,” sagot naman ni Morly.

“Anong nangyari kay Tekla bakit muling bumalik sa bisyo?” tanong ni ‘Nay Cristy.
Cristy Fermin / Photo credit to the owner
Cristy Fermin / Photo credit to the owner

Ang punto ni Morly, “Nalulungkot ako kasi hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon kung anuman ang mayroon siya ngayon.  Ang tanong ko, ate Cristy wala ba siyang pagpapahalaga sa kanyang pamilya?”

“Palagay ko nadadala siya ng kapritso niyang pangsarili kasi kung meron, hindi niya gagawin ‘yan!” sagot ni ‘Nay Cristy.

Binanggit rin ni Nay Cristy na masama raw ang loob ni Willie Revillame kay Tekla.
Super Tekla / Photo credit to the owner
Super Tekla / Photo credit to the owner

“Umalis siya sa Wowowin nang walang paalam. Sa post na lang nakita ni Willie na wala na pala siya sa programa, wag ganu’n!  Pag pinahahalagahan ka ng tao, binibigyan ka ng magandang oportunidad, hawakan mon a, sunggaban mon a huwag mo ng pabayaan,” kuwento ni ‘Nay Cristy.

“Oo, hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataong hawak niya ngayon,” sabi naman ni Morly.

“Isipin mo totoo siyang lalaki pero kapag kumanta at kumilos siya kaya niyang maging bading,” dagdag niya.

Isa si kuya Wil sa tumulong din kay Tekla dahil kinuha siyang co-host sa “Wowowin” pero umalis siya nang walang paalam.


***