Vanessa Raval, itinangging hindi siya tunay na anak ni Jeric Raval: "Hindi po ako itinanggi ng tatay ko" - The Daily Sentry


Vanessa Raval, itinangging hindi siya tunay na anak ni Jeric Raval: "Hindi po ako itinanggi ng tatay ko"






Binigyang linaw na ni Vanessa Raval ang balitang lumabas na hindi daw siya tunay na anak ng action star na si Jeric Raval.


Matatandaan na nakapanayam ni Ogie Diaz si Jeric sa kanyang YouTube vlog noong August 1 kung saan sinabi daw ng aktor na hindi niya totoong anak si Vanesssa at anak daw ito ng kanyang pinsang buo.



Noong August 5 ay nag-upload ng video ang social media influencer na si Vanessa bilang tugon sa mga kumakalat na balita tungkol sa kanya.


Aniya, "fake news" ang mga ito, at kailanman ay hindi daw siya itinanggi ng ama na si Jeric.


"Hello! May kumakalat na tsismis na naman, na hindi raw ako anak ng tatay ko [Jeric].


"So, ganito lang po sasabihin ko, panoorin niyo po yung interview ng tatay ko kay Ogie Diaz.


"Kasi may kumakalat na articles, mga fake news, na sinabi raw doon ng tatay ko na hindi niya ako anak.


"Hindi po ako itinanggi ng tatay ko... ang sinabi lang po niya is 'Let's not talk about her.'" Ayon sa paunang pahayag ni Vanessa


Vanessa Raval at Jeric Raval (larawan mula sa PEP)


Naniniwala din si Vanessa na piniling hindi sagutin ng kanyang tatay Jeric ang tanong ni Ogie ay para hindi na humaba pa ang usapan tungkol sa kanya at pagkakamali na kanyang nagawa.*


Sa nasabing panayam ni Ogie kay Jeric ay tumanggi nga itong pag usapan si Vanessa, ngunit sa isang video na pinalabas noong August 3 ay  tinanong ni Mama Loi si Ogie ng "Diba napag-usapan niyo na 'yan ni Jeric Raval? O ano daw ba? Anak ba niya talaga si Vanessa?"


Dito sinabi ni Ogie ang nakakagulat na balita na hindi daw talaga anak ni Jeric si Vanessa, anak daw talaga ito ng kanyang pinsang buo.


“Sinabi ni Jeric na hindi niya anak si Vanessa Raval. Si Vanessa Raval ay anak ng pinsang buo niya na nakiki-tatay Tatay Eric na rin sa kanya,” pagbubunyag ni Ogie


“'Yun ang malinaw. Pero sabi ko sa kanya, kay Jeric, 'Pero kamukha mo ah'. Sabi niya, 'Oo, pero hindi ko siya anak. Hindi ko naman itatanggi kung anak ko 'no. Eighteen nga anak ko, hindi ko itinanggi. Hindi naman sa'kin 'yan. Hindi ko nga alam sa batang 'yan ba't ganyan ang mga naglalabasan sa kanya.' E wala naman daw siyang social media nakakarating-rating lang sa kanya.” Kwento pa ni Ogie sa napag usapan talaga nila ni Jeric



Kamakailan lang ay nag viral ang pangalan ni Vanessa dahil sa kwento nitong may rapper na nangungulit sa kanya na kalaunan naman ay umamin siyang "scripted" lang daw ito.